Chapter 41

6.5K 150 40
                                    

Chapter 41- Nasa tabi lang

Araw ng linggo, next week ay magsisimula na ang aming klase, ngunit hindi katulad noon ay excited ako sa pasukan. Ngayon ay hindi man lang ako makaramdam kahit kaunting saya, dahil lalo kong naiisip na wala na si Travis.

Wala nang dahilan ng pagngiti ko sa tuwing papasok. Wala nang magpapaganda ng araw ko. Wala nang sasalubong sa akin sa tapat ng gate ng school. Wala ang babati saakin ng good morning tuwing umaga at good night sa gabi. Wala nang mag aalala kung kumain na ba ako ng breakfast ko, at magagalit pag hindi ako kumain. Wala na akong makakasabay sa lunch. Wala na akong kasabay na mag aaral. Wala nang mag tuturo sakin tuwing meron akong hindi naintindihan sa itinuro ng prof. Wala nang mag hahatid sa akin pag uwi. Wala nang tatawag sa akin para sabihing 'I love you!'. Wala nang mag-'I miss you' sakin araw-araw. Wala nang lalaki maliban sa kanila papa at kuya na magpaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kasi wala na si Trave.

Why you'd give so much to remember? It's so hard to move on from this, kasi sa tuwing naiisip ko ay napakasakit. Ayokong kalimutan, kaso patuloy akong nasasaktan, Travis. Is it even possible for you to come back?

Ibinaba ko ang hawak na scrap box. Dito naka lagay ang mga bagay na may memories sa kanya at sa aming dalawa. Mula sa pinakamaliit na bagay na ibinigay niya sa akin noong bago naging kami, at nang maging ganap ko na siyang boyfriend ay nandito. Mga pictures namin at kung anu-ano pa.

Plano kong ibigay sana sa kanya ito bago kami ikasal. Dahil sa takip ng box ay may naka dikit doon na parang pocket, at sa loob ay pares ng singsing na sumisimbolo na maaari na kaming maging isa.

Oo, iniisip kong ako ang magpro-propose sa kanya. Kahit kasi sinasabi niya sa akin na ako ang gusto niyang pakasalan, ako ang gusto niyang makasama hangga't nabubuhay pa siya, hindi namin napag usapan ang tungkol sa kasal na yan.

Ilang taon nalang naman ang hihintayin ko, ang hihintayin namin ay makaka-graduate na kami at maaari ko nang ibigay sa kanya yon. Ilang taon akong nagtiis para hindi banggitin ito sa kanya, hindi pa pala matutuloy.

Inaasahan kong ito na ang pinakamagandang regalo na maibibigay ko sa kanya, ngunit ang nangyari ay hindi ko inaasahan.

Bakit napaka-bilis? Baka ikaw pa? Paulit=ulit ko yang tinatanong sa sarili ko kahit na alam kong hindi ko rin masasagot. Hindi ko lang kayang tanggapin ang reyalidad na ito.

Ilang oras ang byahe patungo sa Antipolo Rizal. Kabado ako habang naglalakad, unang beses ko kasing makapunta dito ng mag isa lang. Unang punta ko ay kasama ko si Travis.

"Parish of the Immaculate Heart of Mary." bulong ko habang tinatanaw sa harapan ko ang napakagandang simbahan na ito.

Ito ang simbahan kung saan ako dinala ni Travis. Ito rin ang simabahan kung saan inaasahan kong ikakasal kami ni Travis.

Lahat ng iyon ay nawala sa isang iglap. Lahat ng iyon ay naglaho na parang isang bula. Mga pangarap na kailanman ay hindi na matutupad, dahil ang kasama ko sana sa pagtupad ng pangarap na iyon ay nawala na rin.

Pinahid ko ang luha ko. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Nagpatuloy ang pag sesermon ng pari. Matapos ang misa ay nanatili pa ako ng ilang saglit doon.

Tumitig ako sa harapan, "Please, tell Trave how much I love him. I don't know why I'm facing these, but I know, You're just right here. He's with You now. Please, watch over me? Give me strength to do all these."

Lumabas ako ng simabahan. Marami pa rin tao sa paligid, dahil linggo ngayon ay maraming nagsimba. Sa malapit ay marami rin ang nagtitinda ng mga rosaries, candles and such. 

Papalayo ay iniisip ko kung saan na ba ako pupunta. Ako lang ang mag isa at ayokong maligaw, siguro ay uuwi nalamang ako.

"Ikaw ay may dinadalang malaking problema." hindi ko na sana papansinin ngunit natigilan talaga ako at napalingon sa matandang babae na nadaanan ko. Tumingin ako sa gilid ko pero ako lamang ang tao malapit sa kanya. Nakatingin siya sa akin pailalim, malalim ang mga mata niyang tumatanaw sa akin.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon