Chapter 33

5.8K 131 12
                                    

Chapter 33- Kuya Rex


Hanggang sa pag-uwi ay iniisip ko pa rin ang tungkol sa sinabi ni Kuya Rex. Iniisip kong sana ay bumilis ang oras at dumating na ang araw na mag uusap na kami, hindi ko alam kung bakit ako kinukutuban. Kinukutuban akong kilala niya iyon at may nalalaman siya sa mga nangyari. Hinatid ko ang kambal sa kanilang kwarto pag karating namin sa boarding house.

"Salamat," anang mama niya sakin. "Pasok ka muna."

"Ah hindi na po. Salamat." nahihiyang sabi ko.

"Oh sige, magpahinga ka na rin ha?" sabi niya.

Ngumiti ako at tumango bago tumalikod upang bumalik na sa aking kwarto.

Nasa Pinto na ako nang marinig ko ang pagtawag sakin, "Ate!" nang lingunin ko ay nakita ko si Sandra na papalapit sa akin.

"Oh? Sandra?" patanong kong sabi nang makalapit siya sakin.

"Ahh..." yumuko siya at nagkukot ng kuko. "Salamat po sa araw na 'to." saka siya nag angat ng tingin sa akin.

Ngumiti ako at bahagyang tumango, "Wala yon. Salamat din."

"Uhm, ate," deretso ang tingin niya sa akin at iyon nanaman ang pakiramdam na parang tumatagos ang tingin niya sakin. "hindi ko alam kung hanggang kelan pa kami, baka bukas nalang--"

"Huh? E diba akala ko mga next week pa kayo aalis?" putol na tanong ko sa kanya.

"Minamadali na kasi namin e. Ang sabi e baka may mag occupy na nung nakita naming bahay." paliwanag niya. "Kaya niyaya ka na namin ng mas maaga." dag dag niya pa.

Tumingin lang ako sa kanya, bahagyang nalungkot dahil mawawala na agad sila, samantalang sila lang naman ang naka-close ko sa bahay na ito.

"Kaya po, may sasabihin sana ako sayo." muli siyang nag iwas ng tingin, kumagat sa labi at naiilang na nagbalik ng mata sakin. "Sana lahat ng mga magiging desisyon mo ay magiging ligtas ka. Hindi siya madaling kalaban. She wants revenge and justice para sa pagkamatay niya. Ate hindi ko alam kung bakit ikaw ang ginugulo niya pero alam ko, nararamdaman kong may rason ang lahat ng ito."

Gusto kong magtanong, maraming tanong pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Dahil sigurong alam kong limitado lang ang sasabihin niya, alam kong hindi niya masasabi sakin ang lahat. Kaya tatanggapin at pakikinggan ko nalang lahat ng kung anumang lalabas na salita sa bibig niya.

"Pasensya na kung hindi ko masabi sayo ang lahat, at aaminin kong hindi ko rin naman alam ang buong detalye. Ang magagawa ko lang ipaalam sayo ay nandito siya at hindi siya umaalis sa bahay na ito dahil kailangan niyang makuha ang hustisyang kailangan niya. Kailangan niyang maghiganti sa pamilya ng taong gumawa niyan sa kanya." derederetso aniya. Natigil lamang sa huling mga salitang binitawan. Halatang nagulat sa sinabi. Sandaling gumalaw ang itim ng kanyang mata sa gilid at mabilis rin na ibinalik sakin.

"Pamilya?" takhang tanong ko. Sinong pamilya?

Matigas ang mukha niya na para bang may nilalabanan ngunit makikita ang pangingilid ng luha sa kanyang mata. Dahan-dahan siyang tumango, tipid na tipid ang galaw.

Nangunot ang noo ko.

Gusto ko pa sanang magsalita kaso biglang lumabas si Samara mula sa pinto at tinawag ang kanyang kapatid, "Sandra, bakit?" nababakasan ang pag-aalala sa mukha niya para sa kakambal. Lumingon ako sa kay Samara ngunit hindi nagawang gumalaw ng kakambal niyang nasa harap ko para lingunin siya.

Lumapit si Samara at pinagmasdan ang kapatid niya. Nang gayahin ko ang ginagawa niya ay saka ko lang napagtanto.

May nakita ba si Sandra? At mabilis iyong naramdaman ni Samara, kaya siya biglang lumabas! Ganoon ba? Hindi kaya kasama namin ngayon sa oras na ito ang babae? Hindi iyon imposible, dahil malamang ay gumala talaga siya dito. Partikular na sa kwarto ko. Pero bakit hindi siya nagpapakita sakin?

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon