Chapter 24- Vikky
Kabadaong kabado ako, at hindi ko malaman kung anong gagawin. Maingay ang tunog ng ringtone sa cellphone ko dahil sa tumatawag.
Dahan dahan ay ni-swipe ko ang screen para sagutin ang tawag. Kita ko ang pagtaas baba ng dibdib ko sa malalim na paghinga.
Nilakasan ko ang loob at itinapat ang cellphone sa aking tenga. Hinintay kong magsalita ito sa kabilang linya at pinakinggang maigi ang boses.
"Candace…" bulong lamang iyon, isang salita, pero para akong sinigawan ng boses na yon. Malinaw na malinaw.
"Trave?" natatarantang tanong ko, mas bumilis ang tibok ng puso ko
"Travis?!" Pasigaw kong tanong. Wala na akong narinig na boses, kundi ang naghihingalong paghinga na animo mauubusan na ng hangin sa katawan. Alam kong boses ni Travis 'yon! "Travis!" Tarantang taranta na ako na maging ang driver ay natutulirong nilingon ako."Ma'am! Ayos lang kayo? Ano pong nangyayari?" Tanong ng driver.
Binalewala ko iyon at mariing nakinig sa kabilang linya habang ang luha sa mata ko ay patuloy sa pagbagsak.
Hindi ko mapigilan ang pagmumura sa utak ko! Fuck! Bakit ayaw niya akong tigilan? Bakit pati si Travis ay ayaw niyang tigilan?! Gusto niya akong bumalik sa impyernong bahay na 'yon? Ano bang kailangan niya sakin?!
Pinatay ko ang cellphone ko. Hinarap ko ang driver na nagtatakang nakatingin lang sakin.
"Manong pasensya na, pero pwede bang dalhin niyo ako sa boarding house ko dati?" Magkakahalong galit, takot, at sakit ang nararamdaman ko.
Tumango naman ang driver at agad ring pinaandar ang sasakyan.
Hindi ko na nireplyan pa si Sandra kahit panay ang text niya sakin.
Narating na rin namin agad ang boarding house. Marahas ko itong kinatok kaya nang buksan ni Ate Sally ay halatang nataranta ito.
"O-oh." Nagugulat pang tanong nito pero hindi ko siya pinansin at walang anong pumasok sa bahay.
"Yung susi, Ate Sally?" Nagmamadaling tanong ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magmadali o kung bakit ako natatatanta. Pumasok ang driver dala ang mga gamit ko.
"B-bakit ba?" Naguguluhan niya ring tanong.
"Babalik na--"
"Ate Candace?" Nilingon ko si Samara at Sandra na pababa ng hagdan. Pero agad ko ring inalis ang tingin ko sa kanila at muling hinarap si Ate Sally.
Huminahon ako at tiningnan ng deretso sa mata si Ate Sally, "Pasensya na po, pero kailangan ko lang talagang bumalik agad."
"O-oo, sige, teka lang." Nagmadali siyang bumalik sa kanyang opisina, nang pagbalik ay dala na niya ang susi.
"Ate, a-ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Samara, pero si Sandra ang binalingan ko ng tingin.
"Sabihin mo sakin ang dahilan para bumalik ako." deretsong sabi ko sa kanya. Hindi siya nakasagot at tanging pag yuko ang nagawa.
"M-may nangyari ba?" Si Samara pa rin ang nagtatanong.
Wala na akong maaasahan sa kanila. Ayoko nang magkwento pa. Tinalikuran ko ang kambal at hinarap ang driver. "Salamat kuya. Pakisabi nalang kay Tita Tracy na maraming salamat ha. Ako na pong bahala dito. Balik na kayo. Ingat po." Habilin ko habang bitbit ang mga gamit ko.
Tumango tango lang ang driver saka umalis na rin.
Nang pumihit ako patalikod ay deretso na ang tingin sakin ng kambal. Deretsong deretso na para bang binabasa ang isip ko, nakakatakot sa pakiramdam ang pagtingin nila pero binalewala ko nalang at si Ate Sally ang kinausap, "Akyat na po ako. Salamat." Paalam ko pa kay Ate Sally bago tuluyang lagpasan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horor"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...