Chapter 9

8.7K 171 2
                                    

Chapter 9- It’s her

Mainit. Tagaktak na ang pawis ko. Hinihingal ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo. May humahabol sa akin. Hindi ko alam kung sino, kung bakit at kung ano. Pero patuloy lang ako sa pagtakbo palayo sa kanya at pagsigaw.

Binilisan ko pa ang pagtakbo nang maramdaman kong malapit na siya sa akin, hanggang sa hindi ko namalayan na may kahoy pala sa daraanan ko dahilan para madapa ako, pero mabilis rin akong tumayo at nilingon nang  mabilis ang himahabol sa akin.

Babae.

Hindi ko na siya pinansin at muli nalang akong nagpatuloy sa pagtakbo hanggang hindi ko na alam kung nasaan na ako. Hanggang sa hindi ko na rin alam kung nasan siya. Kung hinahabol pa rin niya ako.

Paulit-ulit ko nang napapanaginipan ang bagay na ‘yon. Simula nung gabing kumain ako kasama sina Sandra at Samara ay nagsimula ko na ring panaginipan yon. Laging babae. Lagi niya akong hinahabol. Isang lingo na ang nakakalipas mula noon, at alam ko nang may kakaiba talaga, pero hindi ko matakasan ang sitwasyong ito.

Dahil kahit na natatakot ako ay mayroon sa isip kong kailangan kong malaman kung anong ibig sabihin nang mga yon.

May mga araw na iba ang nangyayari sa panaginip ko, pero andun pa rin ang babaeng yon. Nung isang araw lang ay napanaginipan ko ulit siya.

Kauuwi ko lang galing sa school nang may makita ako sa kama ko na babae. Itim ang mahaba niyang buhok. Nakatakip ng dalawa niyang kamay ang mukha niya. Umiiyak siya. At patuloy lang ang pagsabi niya ng “Tulong...”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita. Hindi ko alam kung anong gagawin, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang lapitan o tumakbo palabas ng kwartong iyon, o dapat ba akong sumigaw ng tulong. At ang tanging nagawa ko lang ay tumayo don habang binabalot ng takot at awa sa kanya.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya at unti-unti akong nilingon, mas lalo akong kinabahan.

Nang maiangat niya ang mukha niya ay sinabayan iyon ng pagdilat ko. Nananaginip lang ako. Panaginip na parang totoo. Panaginip na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.

Pinunasan ko ang mukha kong pinagpapawisan. Pero nang marealize ko ang panaginip ko ay hindi na nawala iyon sa isip ko, hanggang makapasok ako ng school.

Hindi ko nakikita ang mukha niya, pero alam kong babae siya. Ayoko nang mapanaginipan pa siya dahil sa sobrang takot ko, pero may parte pa rin sakin na gustong mapanaginipan ulit yon. Dahil parang ang mga panaginip kong yon ay parang mga kwentong unti-unti kong nabubuo. Iyon ang mga sagot sa mga tanong ko saking isip. Iyon ang magpapaliwanag sakin kung bakit at ano ang nangyayari.

“Ate?” napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Sandra na nasa gilid ko lang pala. “Ano pong ginagawa niyo jan sa tapat ng pinto niyo? Naka lock po ba ulit?” dagdag pang tanong niya nang makalapit sakin.

“A-ano... w-wala, may iniisip lang. I-ikaw? Kanina ka pa ba jan?”

Saglit pa siyang tumitig sakin na parang inaalam kung ano ba yong iniisip ko, saka nilingon ang pinanggalingan niya, “Actually, kanina pa po ako dito, pinagmamasdan ko lang po kayong nakatitig sa tapat ng pinto niyo. Ano po bang problema?” hindi ko alam ang sasabihin ko.

Maski ako ay hindi ko alam kung bakit ako nakatulala at nananatiling nakatayo dito, ni hindi ko nga namalayan na narating ko na pala ang kwarto ko.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon