Chapter 17- Kung anong meron
Nagising ako sa tunog ng cellphone na umaalingawngaw sa buong kwarto. Kinapa ko ito ng nakapikit, at binuksan ang isang mata para silipin kung sino ang tumatawag.
Kumunot ang noo ko nang wala naman akong nakitang tumatawag. Dinilat ko ang dalawa kong mata at para mas makita nang maayos screen ng aking cellphone. Sinubukan kong i-check dahil baka na missed call ko, pero ang huling tawag lang na nandun ay yung sa kay Travis na nung kahapon pa. Sa received calls ay ganun din. Hindi naman ako nag alarm.
Nagtaka ako at naka rinig nanaman ako ng tunog na galing sa tiyan ko. Ginugutom na ako. Nang tignan ko ang oras ay 7:37 AM na!
Napabalikwas ako dahil malelate na ako! Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa naramdamang hilo nang bigla akong bumangon.
Mabilis akong tumungo sa banyo kasabay ng paghila sa tuwalyang nakasampay.
Bakit hindi ako nagising ng maaga? Wala na akong matandaan sa nangyari kagabi. Hindi ko na rin alam kung natapos ko ba ang project na ginagawa ko. Ang tanging alam ko ay naka upo ako sa kama at... at... ewan! Hindi ko maalala!
Nagmadali nalang ako sa pag aayos, nilagay ko na rin ang laptop saking bag na hindi ko pala naisara kagabi, matapos ay pumunta na ako sa school. Nilakad ko nalang dahil wala akong makitang jeep. Halos takbuhin ko na, nagbabaka sakaling hindi mahuli kahit naman late na ako.
Naisipan kong itext si Travis dahil baka mag alala yon na wala pa ako sa school.
Lakad-takbo na ang ginagawa ko habang kinakalkal ang aking bag para mahanap ang cellphone ko, dahil don ay hindi ko namalayang may nakabangga ako.
"Ano ba?!" Sigaw ng lalaki sakin. Hindi pa naman siya ganun katanda, pero mas matanda na siya sakin. Sa tingin ko ay mga nasa 35 pataas. May kaunting balbas na siya at masama ang tingin sakin. Amoy ko ang alak sa kanyang hininga kaya marahil ay lasing ito.
"Sorry po." Paumanhin ko. Nagmamadali na ako kaya hindi rin ako mapakali sa aking kinatatayuan.
"Hindi kasi mag ingat e. Kabwiset!" Bulyaw niya pa saka nagsimulang lumakad, masama pa rin ang tingin niya nang lumingon ako.
Habang naglalakad ay hindi niya inaalis ang tingin sakin.
"Aaahhh! Tabi!" Nanlalaki ang matang sigaw ko habang pilit siyang inaabot kahit naman alam kong hindi ko 'yon magagawa dahil malayo siya sakin.
Sinubukan pa niyang lingunin ang harap niya pero huli na ang lahat. Bago pa man niya makita ang dahilan ng pagsigaw ko ay inunahan na siya salubungin ng sasakyan.
Halos magwala ako sa aking nakita at hindi alam ang gagawin. Nanginginig ako sa sobrang takot. Lumapat ang kamay ko sa bibig kong nakanganga pa rin, pigil na pigil ko ang aking pagsigaw subalit hindi na napigilan pa ang luha kong tumulo.
"Oh my God." Naibulong ko, habang dahan-dahan at nanginginig akong lumakad palapit sa katawan niyang duguan at naka handusay sa kalsada.
Mabilis na bumaba ang driver ng sasakyan na nakabangga at napapasabunot pa sa kanyang buhok dahil sa pangyayaring nagawa niya. Dumadami na rin ang taong nakikitingin sa nangyari. Marami ang mag bubulung bulungan at yung iba ay biglang bigla sa pangyayari. Ang iba naman ay nag simula nang tumawag ng tutulong dito. May nakikita rin akong nagawa pang kumuha ng video imbes na tumawag nalang ng maaaring tumulong.
"Ptangna!" Nagpaikot ikot ang lalaki. "Aargh!"
"Tulungan niyo! Tulungan niyo na dali!"
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
"Jusko, anong nangyari?!"
"Sino ba yan?"
Naririnig ko ang walang humpay na pagsasalita ng taong nanunuod sa pangyayari pero parang hindi ko maintindihan ang bawat letrang lumalabas sa bibig nila dahil napako na ang tingin ko sa lalaking kanina ay nakabangga ko at ngayon ay naka higa na sa sahig at duguan.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...