Chapter 7

9.3K 187 1
                                    

Chapter 7- Samara at Sandra

Pumasok ako sa bahay at pinalis ang isiping iyon sa utak ko. Baka naalala lang niya yung mga kabarkada niya dati na nakatira jan.

Umakyat na ako sa itaas nang ma-lock ko na ang pinto. Tahimik na at walang tao, tulog na panigurado yung mga tao dito dahil 12am na rin.

Habang naglalakad sa hallway ay may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko alam kung tama ba pero parang may sumusunod sakin. Sa sobrang kaba ko ay nagmadali nalang akong lumakad, malapit na ako sa kwarto ko nang may marinig akong ingay, Naglalakad. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at nakakita ako ng babaeng nakatayo sa likod ko. Natakot ako kaya humarap na ulit ako at hindi pinansin yun, pero pag lingon ko ay nakita ko na siyang nakatayo sa harapan ko. Bumilis lalo ang naghuhuramentado kong puso. Mas lalo akong kinabahan.

Babae siya at mukhang mas bata sakin.

Hindi ko magets kung bakit hindi ko maigalaw ang paa ko at di ako makaalis sa kinatatayuan ko. Dahan dahan kong nilingon ang ulo ko sa likod ko, pero hindi ko pa man nakukumplet ang pagrotate non ay nakikita ko na ang babae sa gilid ng mata ko kaya napaharap ako ulit pero nakatyo siya sa harapan ko.

Lord, please help me.

Pumikit ako at handa nang sumigaw, pero natigilan ako ng takpan niya ang bibig ko. Nanlamig ako at nanigas.

“Sshh.” Mahinang pagpapatahimik sakin ng babae. “Wag kang maingay, tulog na sila.” Bulong pa niya. Idinilat ko ang mata ko, pagtingin ko ay dalawa na sila!

Ngumiti sakin yung isang bata na nasa kanliwa. Yung babae naman sa kanan ay inalis na ang kamay niya sa bibig ko na feeling ko ay nagyeyelo na sa panlalamig ko.

“Wag kang matakot.” Ngumiti sakin yung babae sa kaliwa, napakunot ako ng noo.

“S-sino kayo?” takot pa ring tanong ko. Bakit ko ba sila kinakausap?

“Ako si Samara.” Pagpapakilala ng babae sa kaliwa. “Siya naman si Sandra. Wag kang matakot, hihihi, diyang kami nakatira sa unang kwarto.” Tinuro niya ang unang kwarto pagakyat mo sa second floor. Ngayon ko lang na-realize na kambal sila. Nawala ang kaba ko dahil tao sila. Totoong tao… sana.

“Wag matakot? Eh nananakot kayo!”

“Hindi naman?” sabi naman nung babae sa kanan na pinakilalang Sandra.

Lumunok ako, “A-anong pang ginagaw niyo dito? G-gabi na ha?”

“Ikaw? Anong ginagaw mo pa dito?” takang tanong ni Samara.

“Gabi na ah?” dagdag nung Sandra na ginaya ang tono ko. Nakakatakot pa rin silang tignan, lalo pa at pale ang kulay nila. Hindi maitim. Maputi, pero maputla.

Hindi ko sila sinagot at nanatiling nakatingin sa kanila.

“Hindi ka na dapat lumalabas pa sa ganitong oras.” Mahina pero dinig kong sabi ni Samara.

“Delikado na.” dagdag ni Sandra. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“May hinatid lang naman ako---”

“Dapat, bago mag alas-dose ng gabi ay nasa kwarto ka na.” bulong ulit ni Samara. Kumunot ang noo ko.

“Diyan lang naman ako sa tapat.” Hindi ko magets kung bakit ko kailangang magpaliwanag pa sa kanila.

Inilapit ni Sandra ng konti ang mukha niya sakin at luminga sa kabuuan ng hallway. “Hindi ka na dapat pa gumagala pa sa ganitong oras.” Bulong pa niya, at kakaiba ang nagging dating sakin niyon. Takot na hindi ko alam kung saan nanggaling.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon