Chapter 12- Kamay
Hapon nang dumating si Trave sa bahay, hindi ko rin inaasahan na kasama niya ang mama niya na pumunta dito. Nang magkita sila Mama at Tita Tracy ay nagbeso sila at konting kamustahan, saka ko lang naalala na gusto nga palang pumunta ni tita dito para makapag paturong magluto. Pero gaya ko ay ikinagulat rin nila mama na makita ang mama ni Trave.
“I miss you, babe.” Humalik sakin si Travis matapos makipag batian sa kila papa at mama. Sinundan niya pa ako sa kusina.
Nilingon ko siya ng nakangiti, “I miss you too.” sabi ko saka ako humarap sa ref para kumuha ng juice.
“Sorry talaga di kita nasamahan kahapon.”
“Okay nga lang.” sagot ko habang nagsasalin na sa baso.
“Di ka na nagtext nung hapon.”
Natigilan ako saka humarap sa kanya nang marealize na hindi ko na nga pala siya na replyan.
“Natulog ako eh, pagod.” Ngumuso ako at nagpakita ng matang humihingi ng sorry. Hinalikan niya ang noo ko dahilan para mapapikit ako. Nang humiwalay ay saka ko lang dinilat ang mata ko para makita ang nakangiti niyang mukha sa harap ko.
“It’s fine. I understand.” Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Lumabas kami ng kusina na dala ang mga juice para sa kanila.
Nadatnan kong nagtatawanan sila sa sala kaya naman nag-excuse ako para ibigay ang mga juice.
“Oh, inom muna kayo. Inutusan ko muna si Casey na kumuha ng makakain sa restaurant.” Sabi ni mama habang sinesenyas ang baso ng juice.
“Ay thank you!” nakangiting ani Tita. “Kamusta na nga pala ang mini-restaurant niyo?” tanong niya bago sumimsim sa kanyang baso.
“Eto, unti-unti nang lumalaki.” Si mama pa rin ang sumagot. “Oh anjan na pala!” tumingin si mama sa pinto kung saan pumasok si Casey at may dalang plato ng cheesecake na si mama rin ang nag bake.
“Ma oh,” nilapag ni Casey ang plato sa mesa.
“Ang papa mo, nagbabantay na ba?” tanong ni mama kay Casey. Tumango naman ang kapatid ko bilang sagot.
Umalis kami sa mga matatanda dahil hinila na ako ni Trave palabas. Talaga naman ‘to!
“Miss na miss mo ba ako?” natatawang tanong ko. Grabe dahil kanina pa siya nangungulit.
“Sobra. Ikaw ba?” tanong niya naman sakin. Umupo kami sa bench na nasa tapat ng aming mini restaurant.
“Uhm...” kunwari pang nagiisip na sabi ko.
“What?! Pinag-isipan pa?!” tanong niya, natawa naman ako sa reaksyon niya.
“Syempre namiss kita! Supeeer!” sabi ko sabay yakap sa kanya.
“See? Pa intense ka pa eh, aamin ka rin naman.” Ngiwi niya. Nagkulitan pa kami ron hanggang sa tawagin siya ni Papa. Magdidilim na rin ng mga oras na yon.
“Travis, halika sandali.” Tawag ni papa na lumabas mula sa restaurant. Napalingon kaming dalawa sabay tayo.
“Tito, bakit po?” tanong ni Trave.
“Samahan mo ako dito saglit, may pag uusapan lang taoy.” Seryoso ang boses ni Papa.
“Sama ako?” tanong ko. Ano naman kaya ang sasabihin nun ni Papa? Hindi naman siguro natatakot itong si Trave dahil matagal na silang magkakilala at magka-close rin. Feeling ko nga ay mas close pa sila kesa sakin eh.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...