Chapter 22- Hindi titigilan
I am still trying to remember if I've met her before, she really looks somewhat familiar to me. I just can't remember where and when did I met her, hindi ko tuloy maiwasan na titigan siya sa rear mirror. Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan ni kuya papuntang boarding house, at siyempre kasama ang kanyang girlfriend na kanina ko pa binabalik balikan ng tingin sa salimin.
Naka upo siya sa passenger seat at nakatanaw sa bintana, ako ang nasa back seat.
Lumapit ako ng kaunti sa harap para mejo silipin siya, "Uhm, Vikky--"
"Ate Vikky." Sabat ni kuyang nagddrive na in-emphasize pa ang 'ate'. Tinignan ko si kuya sa rear mirror na sumulyap rin sakin.
Napanguso ako, "Sorry, ate Vikky." sabi ko sa nakatingin na Ate Vikky sakin.
Nginitian niya ako at sinabing, "Okay lang. Ano yun?"
"Er, have we met before?" hindi ko na naiwasan pang magtanong. Parang feeling ko talaga ay nakita ko na ang mukha niya, hindi ko lang malaman kung kailan o saan.
Natutuliro siyang naglipat ng tingi kay kuya tapos sakin, "Uhm, I-I don't think so? Bakit?"
Napasandal ako habang umiiling, "W-wala naman." pilit akong ngumiti dahil baka magtanong pa sila, lalo na si kuya. He seems so protective kay Ate Vikky, buti nga at di na sumabat samin.
Tumunganga nalang ako sa bintana sila naman ay nag uusap na sa harap.
Naalala ko nanaman ang nangyaring paguusap kanin sa cellphone. May pumasok kaya sa kwarto? Sino naman kaya ang nakakuha ng cellphone ko? At ano ang sinasabi niya?
Hindi ka niya titigilan, muli ko nanamang naalala ang sinabi niya. Nagpprank lang siguro? Pero anong motive niya para gawin 'yon?
Natatanaw ko na ang pamilyar na lugar na ito, ibig sabihin ay malapit na kami.
"H-hon, san tayo?" tanong ni Ate Vikky na panay ang tanaw sa labas.
"Hon?" patanong na tawag ni Kuya na tila di narinig ang sinabi ni ate.
Maya maya pa ay naramdaman ko nang itinigil ni kuya ang sasakyan sa harap ng boarding house.
"A-Ah... w-what are we doing here?" nababalisang tanong ni Ate Vikky kaya napalingon kami sa kanya. She's acting weird.
"May kukunin lang si Candace. Naiwan niya kasi ang phone niya sa loob."
"Oh, a-alright." hindi mawala ang pagkabalisa sa kanyang itsura. Nagkatinginan kami ni kuya sa nagiging reaksyon niya. "Hindi naman natin kailangan pumasok diba?"
Naguguluhang tumango si kuya. Pinapanood ko lang sila, at inoobserbahan ang wirdong kilos ni Ate Vikky. Gusto kong magtanong kaso baka maging deklikado at magalit pa sakin si kuya sa sasabihin kong kabaliwan na ako lang ang nakakaalam.
"No need. May kukunin lang ako." sagot ko dahil parang hindi rin sigurado si kuya sa isinagot. Ngumiti sakin si Vikky at tumango.
"P-pwede bang sa banda ro'n mo nalang i-park ang kotse?" Turo ni Ate Vikky sa isang tabi di kalayuan sa boarding house. "Okay lang ba, Candace?" Lingon niya sakin.
"Yeah sure." Pagsang ayon ko, pero di nawawala ng nagtataka kong tingin. "Okay ka lang ba, ate?" Marami akong gustong itanong pero ayan lang ang nakayanan ko.
Nanlaki ang mata niya at sunod sunod ang naging pagtango. "O-oo naman." Pilit ang ngiti niya.
"You sure?" si kuya na ngayon ang nagtanong na humawak pa sa kamay ni Ate Vikky. Tumango lang ito at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...