Chapter 27

6.1K 134 7
                                    

Chapter 27- Apat na taon

Sembreak. Dapat ngayon ay nasa bahay ako at kasama sina mama doon tumutulong magbantay sa restau pero eto 'ko ngayon at hindi mapakali sa loob ng boarding house.

Nababangag na ako sa mga nangyayari sakin dito. Hindi ko naman masabi kay Ate Sally dahil wala naman siguro siyang maitutulong. Hindi ako masyadong nakakatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw dahil nagigising ako at nababahala ako sa mga ingay na naririnig ko sa kung saan-saan.

Mga ingay na nakakapagpatayo ng balahibo ko. Mga ingay na ginigising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog.



Malalim na ang gabi nang magising ako nang makarinig ako ng boses ng isang babae. Umiiyak. Malakas na parang nasa loob lang yon ng kwarto ko. Sa pagkakahiga ay umupo ako at inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng silid. Hinanap at pinakiramdaman kung saan nagmumula ang pagiyak na iyon.

Mabilis na naghabulan ang kabog ng puso ko at paghinga ko. Wala akong nakikitang tao maliban sa sarili ko.

Nakakaramdam na ako ng matinding takot at iniisip na baka may nakakarinig ba ng pagiyak sa labas? Kahit alam kong posibleng ako lang ang nakakarinig non.

Muli kong inihiga ang katawan ko sa kama at tumagilid paharap sa pader, binalot ko ang sarili ko ng kumot. Mariin kong ipinikit ang mata ko at kung anu-ano nang pumasok sa utak ko.

Nagdarasal na sana'y matigil na ito. Naririnig ko na ang pagkabog ng dibdib ko sa sobrang takot. Paulit ulit akong nagdasal hanggang sa maya maya lang ay natahimik ang paligid, ngunit hindi ko binago ang pwesto ko kahit na nawala ang umiiyak na boses ng babae.

Nakiramdam ako sa paligid, hindi ko inalis ang kumot na bumabalot sa katawan at mukha ko pero nagmulat ako ng mata. Unti-unti ay naramdaman ko ang paglubog ng kama, na para bang may humihiga sa tabi ko dahilan para muling maghuramentado ang kabuuan ng systema ko.

Nagsimulang manginig ang katawan ko lalo pa nang marinig ko ang paghikbi niya sa tabi ko na parang nasa tenga ko lang.

Naninigas na ako sa pwesto ko at di nakagalaw. Sa likod ng kumot na bumabalot sakin ay nakita ko ang isang anino. Hindi ko alam kung babae ba ito o lalaki, basta ay dahan dahan itong lumalapit at ako naman ay inilulubog ang sarili ko sa kama kahit na alam kong wala iyong magagawa. Patuloy na pahhikbi ang naririnig ko, at tuloy rin ang paglapit ng anino sakin. Tanging kumot ang panangga ko.

Naiiyak na ako.

"Aaahhh!" Nagsisigaw ako at nagwala sa kama nang maramdaman kong humawak siya sa mukha ko.

Ang kamay ko ay humahampas sa hangin habang ang paa ko ay sumisipa sa taong yon, pero narealize kong wala naman akong natatamaan, kaya itinigil ko ang ginagawa. Habol habol ang hiningang isiniksik ko ang katawan ko sa gilid ng kama at pader.

Nakatuon ang paningin ko sa espasyo ng kama na walang tao. Ako lang mag-isa. Humagulgol na ako sa tuhod ko sa nangyari, hindi ko na alam kung makakaya ko pa ito. Gusto ko nang sumuko. Kahit ang sarili ko ay di ko maintindihan kung bakit ko pinapahirapan ang sarili ko ng ganito.

Gaano pa ba katagal bago ako masanay?



Alas dose na ng hapon at hindi pa rin ako nagtatanghalian. Hindi rin naman ako makaramdam ng gutom, siguro ay nabubusog ang utak ko sa kakaisip kaya nakakalimutan kong magutom.

May kung ano sa akin ang naguudyok na pumasok sa kabilang kwarto. Pero paano kung nakalock pa rin iyon?

Naisip ko rin kung bakit hindi iyon pinaaayos ni Ate Sally. Pinupuntahan niya ba ang silid na yon? Parang bodega na kasi sa sobrang gulo. Marahil bang yung nakatira doon ay yung babae?

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon