Chapter 19

9.5K 145 13
                                    

Chapter 19- Goodbye


Nababalisa ako at hindi mapakali sa loob ng kwarto ko. Hindi ko magawang kumain dahil sa kakaisip. Lakad lang ako ng lakad at paikot-ikot.


Sinabihan ko na rin si Travis na 'wag muna siyang tumawag at maayos lang ako. Wala akong oras at kakayahan na makipag usap sa kung kaninuman ngayon, dahil lumilipad ang isip ko at baka kung ano lang ang sabihin ko sa kanya.


Pilit kong inaalala ang itsura ng lalake, pero para akong nagkaroon ng maikling amnesia at hindi ko maalala ang mukha niya. Walang imahe ng mukha ang lumalabas sa utak ko. Ang tanging naaalala ko ay ang mga sinabi niya. Maging ang suot niya ay hindi ko matandaan.


Gusto ko siyang makita at makausap. Marami akong gustong itanong sa kanya dahil pakiramdam ko ay sa kanya ko malalaman lahat ng nangyayaring ito.


"Aargh!" napasabunot nalang ako at pabagsak na naupo sa kama. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Siguro kailangan kong kumain muna baka sakaling may maalala na ako.


Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Nag ayos ako at naghanda na sa pagtulog. Sa paghiga ko ay baon ko pa rin ang mga isipin. Hindi na ata ito mawawala sakin?


Nababagabag ako at nagaalala. Kung itanong ko kaya sa kambal? Masasagot kaya nila ako? Alam kong may nalalaman sila at ayaw lang nilang sabihin sakin. Bakit ba kasi pinagdadamot nila sakin ang katotohanan?! Bakit ayaw nilang sabihin sakin?!


Hanggang ngayon ay hindi ko pa sila nakikita. Nakakapagtaka nga dahil hindi nila ako hinanap ngayong araw. Pero sino ba naman ang maghahanap at maglalakas loob pang magpakita sakin matapos kong sigawan? Marahil ay natakot si Sandra sakin. I shouldn't have done that. I was too harsh, dapat ay hindi ko siya ginanon, siguro ay dahil sa frustration.


Biglang pumasok sa isip ko ang babae kanina, gusto niyang makipag usap sakin. Para sa'n naman kaya? Alam niya rin ba ang tungkol dito? Sino ba sila? Ano ba ang mga nalalaman nila? Hanggang saan pa ang nalalaman nila? At bakit ayaw nila akong deretsuhin?

Kung pumayag kaya ako na makipagusap sa kanya ay tungkol saan naman kaya iyon? May mapapala ba ako?


Hindi ko namalayan kung anong oras na akong nakakatulog at kung paano ako nakatulog sa dami ng naglalarong tanong sa utak ko nitong mga nakaraan araw. Kinaumagahan ng linggo ay nagising nalang ako sa isang panaginip, hindi ko alam kung anong meron pero parang ang weird dahil nawalan daw ako ng isang ipin. Kaysa isipin ay pinili ko nalang na balewalain dahil iyon lang naman.


Bago bumangon ay ni-check ko ang cellphone kong puno ng texts at missed calls galing kay Travis. Good mornings, at pagpapaalala na kumain ako ng breakfast at mahal niya ako. Masyado siyang cheesy kaya naman sa umagang ito ay kinilig talaga ako ng husto.


From: Travis ♥

Beautiful morning, babe. Wake up now. I miss you. :* ♥


From: Travis ♥

Naiimagine ko ang morning face mo. I hope, everytime na gigising ako ay iyan ang una kong nakikita. ♥

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon