Chapter 14- Sino ka?
Tinulungan ako ni Travis na mag-ayos ng iilang gamit na dadalhin ko sa bahay nila. Oo, bumalik si Travis. Bumalik siya, binalikan niya ako. Hindi ko na nagawang makapag-tanong pa kung anong dahilan dahil masyado akong nag-alala sa kanya, nang makita ko siya ay agad ko siyang niyakap. Wala na akong pakealam kung ano pang dahilan kung bakit siya natagalan, ang mahala ay nandito na siya.
Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung hindi siya bumalik. Masyado akong nag-alala dahil kung anu-anong bagay ang pumasok sa isip ko habang hinihintay ang pagbabalik niya.
Hawak niya ang kamay ko habang nasa likod niya ang back pack ko na may iilang damit. Sa kanila muna ako magstay dahil hindi ko na ata kayang magtagal pa sa bahay na ito. As much as possible ay maka-hanap na agad ako ng malilipatan at maka-alis na rito. Ayoko namang mag-stay ng matagal kina Travis dahil nahihiya ako kahit pa boyfriend ko siya at kilala na ako ng mama niya. I need to live on my own, ayokong pati ako ay asikasuhin pa nina Travis.
Nagpaalam na rin ako kay Ate Sally na dun muna ako kina Travis hangga’t hindi pa ako magaling. Ayoko rin naman na sabihin sa kanila na ayoko muna mag-stay dun dahil sa kung anu-anong nangyayari sakin.
“Ouch!” daing ko nang may makabangga akong lalaki, palabas na kami sa boarding house.
“Sorry.” Mahina at malamig na aniya, dumaan siya sa harap ko na hindi man lang sumulyap o lumingon sakin. Hindi ko alam, pero bumigat ang pakiramdam ko bigla. Hindi dahil sa asta niya, pero hindi ko alam, siguro dahil sa presensya niya.
“Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!” pahabol pang sigaw ni Travis sa lalaki pero hindi siya nilingon nito. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad habang naka-yuko at nasa magkabilang bulsa ang kanyang kamay. “Okay ka lang?” nag-aalala pang tanong ni Travis sakin. Tumango ako sa kanya saka ngumiti.
Dumeretso na kami sa sasakyan niya at umuwi sa bahay nila.
“Doon ka na muna sa guest’s room at magpahinga, hahatiran nalang kita ng pagkain.” Sabi niya.
“Okay.” Kukunin ko na sana ang bag ko pero pinigilan niya ako, siya na raw ang mag-aakyat noon. Wala naman na akong nagawa dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Ang init pa rin ng katawan ko. Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong nahiga roon.
Sa wakas, nakaramdam rin ako ng relief kahit papaano, parang mejo gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong walang mangyayaring masama. Natatakot na ako ng sobra at hindi ko na alam ang gagawin ko sa bahay na ‘yon.
Pagbumuti na ang pakiramdam ko ay aalis na ako agad doon, ayoko nang magtagal pa, dito nalang muna ako mag-stay kina Travis habang naghahanap ako ng bagong matutuluyan.
Pero hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang mga tanong sa utak ko, kahit mejo nabawasan dahil bumalik si Travis at ligtas siya. Natira nalang ay yung mga matagal nang gumugulo sa utak ko. Ano ba kasing meron ang bahay na iyon? Ang kwartong iyon? Sino yung babaeng lagi ko nalang napapanaginipan? Yung nagpapakita sakin? Anong kinalaman niya sa nangyayari? Anong kinalaman ko sa kanya?
Hindi ko namalayan ay nakaramdam ako ng antok.
Tumatakbo ako. Mabilis at halos hindi ko na malaman kung saan ako papunta. Takbo lang ako ng takbo pero hindi ko alam kung saan at kung ano ang lugar na ito. Hinihingal na ako, patuloy lang ang pagtulo ng pawis sa mukha ko.
“Tulungan mo ako!” hanggang sa makarinig ako ng boses ng isang babae sa likod ko. Narinig ko ang mga yabag ng paa’ng humahabol sakin. Nilingon ko iyon, habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Siya yung sumisigaw. Babae, naka suot ng puting damit. Mahaba ang itim na buhok. Pero hindi ko maaninag ang mukha niya. Hinahabol niya ako.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horor"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...