Chapter 10

9.8K 192 2
                                    

Chapter 10 – Takot at kaba

Kinabukasan ay maaga akong gumising kahit medyo kulang ako sa tulog. Kailangan kong umuwi ngayon dahil gusto ko nang mabisita sina mama. Matagal tagal na rin nang huli ko pa silang mabisita.

Napuyat ako dahil nahirapan akong makatulog kagabi.

Hindi ko man lang naisip na tumutulo na pala ang luha ko, lumapit si Samara sa akin at niyakap ako habang wala pa rin ako sa sariling nakatitig lang sa kawalan. Dumalo si Sandra sa amin at hinimas ang likod ko.

“A-ano yon?” naiiyak pa ring tanong ko, may halong takot sa boses.

“Ate,” si Samara, may bahid ng pagaalala sa mukha niya.

“Pumasok ka na po. Wala lang ‘yon, hangin siguro?” sabad ni Sandra. Walang emosyon ang mukha niyang nakatingin sa akin. Nanlalaki ang matang lumingon ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa kanya.

Sino ang maglalakas loob na pumasok sa kwartong ‘yon? Sino ang maglalakas loob na pumasok at matulog don nang nangyari ang ganong eksena? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, basta ang alam ko may halo itong takot at mas nangingibabaw ‘yon.

Paano niya nasasabi ito sakin na parang wala lang sakin?

Hangin? Anong klaseng hangin naman yan na humampas sa pinto at nagawa pang lumabas sa kwarto ko na nagbigay ng kakaibang kaba at takot sakin?

Napangisi ako, kunwari natatawa sa kanya, “Seriously? Sandra, hindi ako engot para hindi makaramdam ng takot don! Imposibleng hangin lang ‘yon!” sabi ko nang nakaturo sa pinto ng kwarto ko.

Hindi siya sumagot at napayuko lang. I know I’m being rude again, pero what should I do? Nilalamon na ako ng takot at inis. Nakita ko ring lumabas na ang isang babae mula sa kwarto nila, I think mama niladahil tinawag ni Samara itong, “Ma.”

“Anong nangyayari?” tanong niya na tinignan pa kaming lahat.

Kahit nakatalikod ay ramdam ko ang paglabas ng mga kapit bahay ko sa kanya-kanya nilang kwarto, naabala siguro sa ingay. Narinig ko rin ang mga bulung-bulungan nila pero hindi ko iyon pinansin.

Humarap ako kay Sandra at umiling-iling, “Sorry Sandra pero... pero hindi ko kayang pumasok don.” Nanghina ang boses ko. Nag-angat siya sakin ng tingin, kita ko ang awa sa mata niya.

“Pero ate, wala kang choice kundi ang bumalik don at magpahinga na.”

Umiling lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko, pero basta, alam kong may mali, at kailangan kong malaman kung ano ‘yon.

“Late na po.” Dagdag pa nito. Pinanonood lang kami ng mama nila na magdrama. Yung ilang kapit bahay ay nagsibalikan na sa sari-sarili nilang kwarto dahil wala rin namang may balak na sumagot sa mga tanong nila kung anong nangyari.

“Ate, gusto mo bang samahan ka nalang namin?” suhestiyon ni Samara. Tumingin ako ng nagaalinlangan sa mata niyang mapungay.

“Sabihin niyo sakin kung anong ibig sabihin non.” Matigas kong sabi.

“Ano ba ‘yon?” tanong ng mama nila.

“Ma, please? I’ll explain later. Just give us this time to talk.” Lingon ni Sandra sa mama niya. Bumuntong hininga lang ito saka sinabing pumasok rin agad ang dalawa, na tinanguan naman nila.

Akala ko ba ay sasamahan nila ako? Nilingon ko si Samara ng may nagtatanong na tingin. Sa halip na magsalita ay binigyan niya lang ako ng makahulugan na tingin at inakay ako palapit sa kwarto ko. Wala sa sariling nagpahatak nalang ako.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon