Chapter 31

5.5K 119 6
                                    

Chapter 31- Family Picture

Mabilis akong pumanhik sa kwarto ko, may nakabangga pa ako dahil hindi ko siya agad napansin. Nilingon ko siya upang humingi sana ng paumanhin ngunit hindi man lang niya ako tiningnan o huminto, nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

"Uhm... sorry!" sigaw ko nalang kahit na wala man lamang akong natanggap na reaksyon mula sa kanya.

Napapailing nalang akong naglakad muli at tumuloy na sa kwarto.

Hinanap ko ang notebook, lahat ng naroon sa study table ay tiningnan ko ang bawat page kung san ko inipit ang picture pero hindi ko makita.

"Aish!" Napapikit ako nang maisip na posibleng nandoon 'yon sa notebook na hiniram ni Roxanne.

Kinuha ko ang cellphone ko upang itext si Roxanne pero hindi ko na naituloy nang biglang magflash sa screen ang pangalan ni Tita Tracy at magsimulang mag ring ang cellphone ko.

Sinwipe ko ang screen upang masagot ang tawag.

"Hello po, tita?" bati ko sa kabilang linya.

"Hello, hija, kumusta?" narinig ko ang mahinahong boses niya. Mabilis na pumasok sa isip ko si Travis.

Naisip kong nung dati ay puro pangalan niya ang lumalabas sa screen at laging nagpaparing ng cellphone ko. Boses niya ang naririnig ko sa tuwing sumasagot ng tawag ngunit ngayon ay ibang tao na ang nakakausap ko.

Hindi naman sa hindi ko gustong makausap sila subalit ang maisip na hindi ko na nakakausap pa si Travis at hindi na siya yung tumatawag sakin ay nakakapagbigay ng lungkot sa nararamdaman ko.

"Okay naman po. Kayo po ba?" tanong ko. Inisip ko kung ilang araw ko na nga bang hindi nadalaw si Tita, baka bumalik na rin si Ate Trance sa kaniyang tinutuluyan at mag isa nalang sa bahay si tita.

"Ahh, ayos naman. Kelan ka bibisita? Namimiss na kita." aniya batid ko ang lungkot sa boses niya. "Nalulungkot na ako dito. Si Trance ay laging wala naman sa bahay."

"Gusto niyo po bang pumunta ako ngayon jan?" tanong ko. Alam ko namang gusto niya, hindi naman siguro siya tatawag kung hindi diba? Magpapaalam lang.

"Okay lang ba? Wala ka bang ginagawa ngayon?"

"Sige po! Namimiss ko na rin po kayo e."

"Okay sige! Hihintayin kita ha!" sumaya ang boses niya. Hindi katulad kaninang malungkot.

Ngumiti ako. "Sige po, mag aayos lang ako tapos pupunta na po ako jan." sabi ko, matapos makapagpaalam ay pinutol na rin ang tawag.

Napakagat pa ako sa ibabang labi ko saglit at napatingin sa study table kung saan naroon kanina ang notebook. Paano 'to? Paano ko iyon makukuha? Hindi naman siguro pakekealam ni Roxanne yun hindi ba? Hayy!

Mabilis akong nag-ayos upang makapunta na sa kanila tita Tracy. Naligo ako saglit at ginawa ang ritwal na gawain.Tumapat ako sa pintuan at inikot ang paningin ko sa kwarto. Tiningnan ko kung ang mga gamit ko ay naka ayos at naroon. Ang kahon na nasa gilid ng cabinet ay naroon pa rin naman. Napaisip ko kung bakit ko iyon ginawa gayong hindi ko naman iyon gawain kapag aalis ako.

Umiling nalang ako at sinara na ang pinto.

"Nako tita! Kumusta po?" yakap ko kay tita nang makapasok ako sa bahay nila. The living room feels odd. Can't feel the same anymore, parang may kulang.

"Ayos naman, hija. Ikaw? Ang tagal mong hindi dumalaw." nakanguso nang aniya. Umupo kami sa sofa.

"Ilang araw lang naman po." ngiti ko.

Dumating ang katulong na may dalang pagkain, "Oh, meryenda ka muna." sabi ni tita pagkalapag ng pagkain.

"Ah sige po, busog pa ako e." sabi ko, "Si ate Trance?" hanap ko sa ate ni Travis.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon