Chapter 23- Calm and safe
Hindi ko alam kung gaano ba ako katagal na nanatili sa ganoong posisyon, naramdaman ko nalang ang mga kamay na humawak sa magkabilang braso ko, na bahagya pang ikinagulat ko.
"Candace, ayos ka lang?" dinudungaw ako ni Ate Vikky, doon lang ako bumalik sa huwisyo.
"H-ha? Oo." tila ginigising ko pa rin ang sarili ko. Nang muli kong lingunin ang bintana sa second floor ay wala na roon ang lalaki. Wala nang mababakasan na kahit sinong tao'ng nakatayo doon. Pero nasisiguro ko talagang, may nakatayo do'n.
Tatanungin ko sana si Ate Vikky pero nang makita kong parang wala naman siyang nakitang jahit ano ay naisip kong wag nalang at sarilihin nalang ang kung anuman iyon.
"Sigurado ka? Tara na," aniyaya niya sakin at inalalayan pa akong lumakad sa kotse. Nakatayo si kuya sa harap ng pinto ay pinapanood kaming lumapit sa kanya.
"Anong nangyari? Bakit ka tumigil doon?" tanong ni kuya nang makalapit kami. Napapayuko ako at hindi makatingin sa kanya. Nagdadalawang isip pa rin ako kung sasabihin ko ba o hindi. Pakiramdam ko kasi ay baka madamay siya kung magkakaroon siya ng ideya sa lahat ng ito. At isa pa, ayokong makealam siya.
Umiling ako, "Wala. Tara na." sabi ko bago binuksan ang pinto sa harap ko at sumakay doon. Hinintay ko ang pasakay nilang dalawa sa harap ko.
"Sa kanila Tita Tracy ba tayo?" tanong ni kuya.
"Oo, kukunin ko ang gamit ko. Ngayon na ako lilipat kuya, kahit kila Trave mo nalang ako ibaba." naisip ko kasing baka may pupuntahan sila at makakaabala ako. Masyado na ngang malaking abala ang naidulot ko sa kanila, ayoko nang dagdagan pa. At nahihiya rin naman ako kay Ate Vikky.
"Ihatid na kita, saan ba 'yon?" tanong ni kuya na sumilip pa sakin mula sa rear mirror.
"'Wag na nga kuya. Ako nang bahala." sabi ko habang umiiling. Hindi na siya nakipagtalo pa at itunuloy nalang ang pagmamaneho kila Travis.
Tahimik lang si Ate Vikky na naka dungaw sa bintana, tila malalim ang iniisip. Hindi mawala sakin ang nakita ko sa kanya kanina, gusto kong isiping wala naman siya sigurong ideya tungkol sa bahay na 'yun, pero sa mga nakikita ko sa kanya kanina ay parang may kaka-iba.
"Candace, bakit mo naisipang lumipat?" tanong ni Ate Vikky na ikinabigla ko dahil kanina'y tahimik lang naman siya roon.
Nangapa pa ako ng isasagot dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin o hindi na. Napansin ko ang pagsulyap sakin ni kuya kaya napatingin rin ako sa kanya, pero mabilis ko ring naibalik kay Ate Vikky ang tingin ko na nasa bintana pa rin naman ang paningin kahit ako ang kausap niya.
"Ahh... ano...uhm... parang may problema kasi do'n." kinakabahan ako. Mabilis niyang inilipat ang tingin sakin, ngayon ay hindi na ako makatingin sa kanya ng diretso.
"Anong problema?" kunot noo'ng tanong niya, halatang interesadong interesado sa itinatanong. Doon ko nagawang pakatitigan siya dahil sa ipinakita niyang emosyon.
Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka at pagkalito, "Ha?"
"Anong problema sa bahay na 'yon? Bakit gusto mong lumipat?" pag uulit niya na parang nililinaw sakin ang kanyang tanong.
Naubusan ako ng mga salitang sasabihin. Ayokong mag open ng topic tungkol doon. Ayokong may madamay. Ayokong mangyari yung nangyari kay Travis.
Magsasalita na sana ako pero naudlot rin ito nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nang silipin ko ay may na-receive akong text mula sa hindi naka-register na number.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...