Chapter 2

14.4K 269 14
                                    

Chapter 2- Ingay

  

Nagising ako sa malakas na katok mula sa kwarto ko. Hindi ko na sana papansinin pa pero ang ingay talaga eh! 

Tinignan ko sa cellphone ko kung anog oras na. Ay shemay! 7 pm na pala! May 5 missed calls galing kay Travis at 15 unread messages, karamihan galing sa kanya, yung iba sa mga friends. Ang himbing naman ng tulog ko? Binuksan ko yung kay Travis, halos lahat ay puro ‘I love you’ at kumain na raw ako ng dinner. Mag re-reply pa sana ako kaso narinig ko nanaman ang malakas na katok. 

“Bakit ba ayaw pagbuksan ang kumakatok na yon?” bulong ko sa sarili, tinutukoy yung kumakatok kanina pa. 

Bumangon ako at pumunta sa pinto. Tuloy pa rin ang pagkatok. Binuksan ko ang pinto, pero natigil ang maingay na pagkatok. Wala na akong nakitang tao o kahit ano maliban sa pagsara ng pinto sa tabi ng kwarto ko. Sa kaliwa. 

May nakatira pala don?

'Papatay---' muntik ko pang maihagis ang cellphone ko sa gulat. 

Bakit ba naman kasi ito ang ringtone ko? At bakit hindi pa kita napapalitan? Sasakalin ko talaga ‘tong si Casey eh!

“H-hello?” pumasok ako sa kwarto at isinara ang pinto. 

“Kanina pa ako tumatawag eh. Napasarap ata tulog mo?” sabi ni Travis. 

“Yeah, I’m sorry. Siguro sa pagod.” Sagot ko nang nakahiga sa kama.

“Buti naman at gumising ka na,”

“Oo, nagising ako sa katok ng katok kanina sa labas. Ang ingay eh.” Nakabusangot ang mukhang sumbong ko na sumulyap pa sa pinto.

“Sa kwarto mo?”

“Hindi. Sa kabilang kwarto.”

“Dapat kinausap or pinagsabihan mo.”

“Paglabas ko nga wala nang tao eh, pinapasok na yata.”

“Ah, anyway kumain ka na ba?” pag-iiba niya ng usapan.

Umiling ako, “Not yet,” parang engot lang. Hindi naman niya ako nakikita eh! Ano ba?

“What? Why?!” may gulat at pag-aalalang tanong niya.

“Kagigising ko lang diba?”

“Tsk! May pagkain ka na jan?” malumanay na ang tonong aniya.

“Wala. Bibili pa ako sa---”

“What?! Candace gabi na!” pigili niya sakin na inis ang tono. Aish! Para talagang tatay ‘to minsan. Naiimagine ko tuloy yung mukha niyang kahit inis ay ang cute pa rin. Hindi ka matatakot eh, mai-in love ka! Hihi!

“May karendiryang malapit jan sa tapat.”

“No.”

“Anong gusto mo, magutom ako dito?” sarkastikong tanong ko.

“Hindi! Pupuntahan nalang kita,”

“Wag na. Gabi na, saka pinababantayan rin ako ni mama kay Ate Sally eh.” Natatawang sabi ko.

“Sinong Ate Sally?”

“Yung may-ari nitong bahay. Baka daw kasi iuwi kita dito. Praning yun si mama eh. Hahaha!”

“Ah hahahaha! Eh paano yan?”

“Bibili na nga lang ako. Sa tapat lang naman yun eh. Sandali lang talaga promise! O wag mo nalang ibaba yung call para sure ka.” I said. He won’t stop kasi sa pangungulit eh.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon