Chapter 29- Sumuko lang ako
Lumipas ang tatlong araw, natahimik ang mundo ko. Malinaw pa rin sakin ang itsura nung babaeng nakita ko nung gabing iyon, siguradong siya nga iyon.
Umuwi kaagad ako noong gabing mangyari ang hindi mawala sa isip kong pangyayari. Gulat na gulat ako at puno ng kaba ang aking puso, na nawala na sa isip ko kung anong nangyari sa lalaking iyon matapos kong tumakbo palayo. Wala akong ideya kung anong nangyari sa walang buhay niyang katawan. Hindi na rin ako nagtangkang magtanong dahil para akong mababaliw sa tuwing naaalala ang nangyari.
Bakit ganito nalang ang mga nakikita at nararanasan ko? Una ay may nagtangka sa aking lalaki, tumakbo ako at hinabol niya ako. Pangalawa ay namatay siya sa harap ko. Pangatlo ay nakatayo sa tapat niya ang babaeng gumagambala sakin.
Sa nagdaan na araw ay napagisip-isip kong baka may kinalaman sa lalaki ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Matatandaang puro lalaki yung namamatay sa tuwing may gagawing masama sakin. Nagkakataon lang ba iyon o sadyang may hinanakit siya sa mga lalaki? Bakit pati si Travis ay dinamay niya?
Nagvibrate ang cellphone ko sa mensaheng natanggap ko mula kay kuya.
Kuya
Kumain ka na?
Nagtype ako ng reply para sabihin sa kanyang tapos na akong kumain. Tanghali na, doon na ako sa karendirya bumibili ng pagkain ko.
Muling naglayag ang isip ko sa babaeng iyon, maaari nga kayang naghihiganti siya? Ngunit saan? Kanino? Bakit ako ang nakakaranas ng mga ito? Natatakot ako na baka masangkot at madamay si kuya, sa mga pumapasok sa isip ko at sa mga nangyayari ay hindi ko maiwasang makaramdam ng ganitong pangamba.
Kanina lamang ay noong bumibili ako ng para sa pananghalian ko sa kaerndirya ay naririnig ko pa ang usapan tungkol sa pagkamatay ng lalaki nung nakaraang gabi. Kinakabahan ako, na baka may nakakita sakin nung araw na iyon at ako ang ituro nila. Hindi dahil sa ako nga ang pumatay ngunit dahil sa alam ko at nakita ko kung anong nangyari, kung sasabihin ko na ang may kagagawan noon ay namatay na ilang taon na ang nakakalipas ay baka hindi nila ako paniwalaan at ibato sakin lahat ng sisi.
"Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin kung sino nga ang posibleng gumawa noon kay Mang Julio," dinig kong sabi ng isang babaeng bumibili rin ng pagkain sa karinerya, kausap niya ang isang babae at dalawang lalaki. "Wala naman silang mahanap na ebidensya."
Hindi ako makapagsalita at makakilos. Patuloy lang ang pakikinig ko sa usapan nila.
"Sino naman kaya 'yon. At anong motibo niya para patayin yung matanda? Hanggang ngayon tuloy ay nagluluksa ang pamilya niya." sagot naman ng lalaking kausap nito.
Hindi ako makatingin ng maayos, ni hindi ko magawang iangat ang ulo ko upang makita ang naguusap na ito. Natatakot akong baka isipin nilang ako ang may gawa noon kahit na alam kong wala naman akong kasalanan. Nakakramdam pa rin ako ng pagkabahala. Hindi maalis sa sarili ko ang kunsensya.
"Oh, hija!"
Nabibigla akong nag-angat ng tingin sa tindera, pinipigilan ko ang kamay ko sa panginginig sa kaba na hindi ko maiwasan. "S-salamat po. Ito ang bayad oh."
Awa at konsensya ang nararamdaman ko ngayon para sa matandang lalaki na tinawag nilang si Mang Jlio at para sa pamilya niya. Galit naman para sa babaeng pumatay ang naramdaman ko. Bakit kailangan niyang gawin iyon? Bakit kailangan niyang patayin?
Naiintindihan kong gusto niya lang akong tulungan sa lalaki nung gabing iyon pero hindi ko makuha kung bakit nagkaganoon ang lahat. Aaminin kong natakot at nagalit ako nang gawin iyon ng lalaki pero ngayon, awa ang nararamdaman ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Roommate
رعب"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...