author: last chapter before the epilogue. congratulations and thank you for making it this far. kindly wait for the epilogue. // please support my other upcoming stories. thank you and love lots!
---Chapter 45- Sira
Sabi nila kapag daw dumating yung araw na maalala mo na lahat ng nangyari sayo simula pagkabata mo, na para bang nagflashback ang lahat ng mga masasayang alala mo noon, ibig sabihin ay malapit ka nang mamatay.
Paano kung dumating ang araw na iyon? Anong unang mong maiisip? Ano ang una at huli mong gagawin? Handa ka na ba?
Naramdaman ko ang pagsakit sa bandang ulo ko dahilan para mapapikit ako at indahin ang sakit.
"U-umalis ka na. M-matulog ka na sa kama mo." sinikap kong ayusin ang pagkakahiga ko. Niyakap ko ang aking unan at patagilid akong tumalikod sa kanya.
"Binabantayan lang naman kita--"
"Salamat, pero sa tingin ko hindi mo ako kailangang bantayan!" sinsero kong sabi ngunit hindi ko maitago ang inis na nararamdaman ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit.
"Pero may sugat ka sa ulo." malumanay pa rin ang pagkakasabi niya noon na para bang hindi niya nahahalata ang inis ko sa kanyang presensya. "Baka mapaano ka nang hindi mo namamalayan."
"Matulog ka na, magpahinga. Hayaan mo na ako," hindi ko siya nilingon. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na nagpaka lumanay. "Matutulog na rin ako."
Ngunit hindi na ako muling naka tulog pa. Nawala siya sa harapan ko at naramdaman ko nalang ang paggalaw ng kama hudyat na naka akyat na siya.
Hindi ako mapakali at kung ano anong pumapasok sa utak ko. Maraming gumugulo at iniisip ko rin ang nangyari kanina o kahapon.
Sa hindi inaasahan ay nakita ko ang babae, si Marianne ba 'yon? Ang pagkakatanda ko ay papalapit siya sakin nang lumutang ako sabay paghampas ko sa shelf kasunod ng pagbagsak ko at ang huli ko nalang nakita na nasa harap ko ay si Mari.
Narinig niya kaya ang sigaw ko?
Hindi ko na maalala ang mga huling nangyari nang oras na iyon, nagising na lang ako sa duguan kong ulo na siyang ginamot ni Mari.
Nilingon ko ang oras, alas singko na ng umaga at hindi ko man lang namalayan na halos dalawang oras na akong gising at nag iisip.
Nakalimutan ko na nga kung ilang oras lang ba ang naitulog ko. Sinubukan kong bumangon subalit nahirapan ako dahil masakit rin ang parte ng likod ko at ulo.
May gasa sa ulo ko na siguro'y ginamot ni Mari. Bigla kong naalala ang pagtrato ko sa kanya kaninang madaling araw, ni hindi ko man lang siya napasalamatan at naging rude pa ako.
Sinikap kong bumangon. Bibili nalang ako ng pagkain para maipaghanda siya, pambawi man lang sa inasal ko kanina.
Bumili ako ng kanin, ham and hot dogs. Magsasangag nalang ako.
Bumalik ako sa boarding house, bago ako dumeretso sa kusina ay dumaan muna ako upang silipin ang room ni Ate Sally.
Haven't seen not talk to her for a while, hindi ko rin naman siya ma reach sa twing sinusubukan kong tawagan, kahit reply ay wala.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...