Chapter 32

5.2K 121 4
                                    

Chapter 32- Tomorrow


Tanghali nang magising ako sa tunog na nagmumula sa cellphone ko. Kinapa ko ito nang nakapikit pa ang isang mata, nakakasilaw ang liwanag sa bintana.

Isang hindi naka-register na number ang tumatawag.

"Hello?" tanong ko, bumabangon mula sa pagkakahiga. Nilingon ko pa ang orasan upang makita na 11AM na pala.

"Hello, Candace?" sagot naman nito. Nangunot ang noo ka sa hindi pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Sino---"

"Si Rex ito, kuya ni Roxanne." sagot niya na agad bago ko pa man matapos ang tanong ko.

"Oh, kuya Rex. Bat ka napatawag?" hindi naman siya tumatawag sakin, kaya nga hindi naka save ang kanyang number sa phone ko e.

"Uhm, hindi ba pumunta si Roxanne jan at humiram ng notebook sa'yo?" tanong nya. Natigilan ako. Bakit? May nangyari ba kay Roxanne? Kinakabahan ako at di ko malaman kung bakit.

"O-opo. Bakit kuya Rex? May nangyari ba?"

"Wala naman. Gusto ko lang itanong kung pwedeng ako nalang ang magsoli sayo nito pagtapos niyang gamitin?" sabi niya na nakapagpakalma sakin dahil mabuti at walang nangyaring masama. Ano ba naman itong naiisip ko?

Pero nakakapagtaka namang bakit siya ang magsosoli?

"O...kay." alangan kong sagot.

"Gusto rin kasi kitang maka-usap e."

"Makausap? Tungkol san?" takang tanong ko.

"Sa picture." simple niyang sabi.

Napaisip pa ako saglit at natigilan kung anong picture ang tinutukoy niya. Anong meron sa picture? Bakit gusto niyang pag usapan namin ang tungkol sa bagay na iyon? Kilala niya ba ang nasa larawan? Muling umusbong ang kaba sa dibdib ko.

"B-bakit? Anong meron sa picture?" natataranta at kinakabahan kong tanong. Matagal bago siya nagsalita sa kabilang linya, kung hindi ko pa narinig ang pagbuntong hininga ay iisipin kong naputol na ang tawag.

"Kasi siya yung---...toot...toot...toot..."

"Hello? Kuya Rex? Kuya?" tawag ko dahil naputol ang pagsasalita niya. Nang tignan ko ang screen ay wala na nga ang tawag namin. Shit! Ano 'yon?

*blag!!*

Napatalon ako at napatingin sa pintuan nang makarinig ako ng malakas na ingay mula ron, kasunod ng sunod-sunod na pagkatok. Nakakataranta ang ingay na nagmumula ron kaya kahit na kakagising lang ay dali dali ko itong binuksan.

"Good morning!!!" masiglang bati ng kambal.

"G-good morning," natitigilang bati ko rin. "Anong meron at parang napakasaya niyo?"

"Wala lang po. Ah, ate are you free today? May gagawin ka ba o magiging busy?" tanong ni Samara.

"Hindi naman. Bakit?"

"Pwede ka ba namin yayaing mamasyal? Kasi diba sabi mo ay babawi ka sa amin? Pwede bang ngayon na natin gawin?" nagpa-cute si Samara sa harap ko. Iyong itsurang mahirap tanggihan.

Tiningnan ko ang itsura ko bago muling tumingin sa kambal na umaasa sa magiging sagot ko, ngumiwi ako. "H-hindi pa ako nakakaligo e." bigla ay naconscious ako sa itsura ko.

Malapad na ngumiti si Sandra, "Okay lang. Hintayin ka naming mag-ayos." aniya.

"Is that okay?" nahihiya kong tanong. Sabay naman silang tumango bilang sagot.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon