Chapter 20

6.8K 140 25
                                    

Chapter 20- Lalayo

Sa loob ng pitong araw ay nanatiling tahimik ang mundo ko. Hindi ako umuwi sa boarding house, ni hindi ko nagawang pumasok dahil wala akong lakas para gawin iyon. Sa tuwing gagalaw ako o magsasalita ay nanghihina ako. Sa bawat taong lalapit sakin para mangumusta ay agad na mamumuo ang mainit na luha sa paligid ng mata ko.

Ang bigat at ang sakit sa pakiramdam, na bawat oras na dumadaan, bawat araw na sasapit ay kailangan mong pigilan ang pag iisip sa taong sobrang mahal mo, dahil masasaktan ka lang. Pero mahirap gawin, lalo na kung sa bawat bagay, bawat oras ay siya lang ang naaalala mo. Lahat ng gawin mo ay laging siya ang pumapasok sa isip mo, masaya man o malungkot.

Ika-pitong araw na ngayon ni Travis. Pitong araw na rin akong umiiyak sa pagtulog. Pitong araw na akong hindi maayos na kumakain. Pitong araw na akong hindi umiimik at hindi maka-usap ng ayos. Oo, nakakapagod, pero hindi ko magawang pigilan. Hindi ko magawang iwasan.

At ngayon ay ang pang huling lamay niya, hindi ko alam kung ito na rin ba ang huling pag iyak ko sa kanya. Palagay ko ay hindi na ito matatapos pa. Babaunin ko ito hanggang sa mag kita kami ulit.

Maraming naka itim at naka puti. Maraming malungkot. Marami akong naririnig na nag uusap at nag iiyakan. Si Tita Tracy ay pinipilit maging malakas at i-entertain ang mga dumadalo kahit na bakas sa mukha niya na galing sa pag iyak dahil sa namumugto niyang mata at namumulang ilong, ibang-iba ngayon sa nagdaan na araw na lagi siyang tulala sa harap ng malaking litrato ni Trave sa tabi ng hinihigaan niya at patuloy sa pag iyak habang inaalo ni Ate Trance. Sina mama at papa ay tumutulong sa pag aabot ng mga tinapay para sa mga nakikiramay, pitong araw na rin sila dito at tinutulungan si Tita na mag asikaso ng bisita. Marami nang bisita ngayon fahil huling lamay na ito.

"Candace," gulat akong napalingon sa gilid ko, nailayo ang utak sa malalim na pag iisip. Mabilis na nangilid ang luha sa mata ko nang makita ang resemblance ng mukha ni Trave. "Kumain ka na?" taong ni Ate Trance. Siya ang ate ni Travis, pitong araw na rin siyang dito umuuwi. Magkamukha talaga sila ni Travis kaya naman hindi ko maiwasan ang maluha tuwing makikita ko siya.

Pilit kong ipinakita ang pag ngiti ko saka umiling, pilit ko ring pinaalis ang namumuong luha sa mata ko. "Busog po ako." hindi talaga ako nakakaramdam ng anumang gutom, wala akong gana sa lahat ng bagay.

"Pero halos wala ka pang nakakain mula kanina." malungkot nanaman ang boses niya.

Araw-araw ganito sila sakin, pipilitin akong kumain, tatanggihan ko naman. Kakain lang ako kapag wala na akong magawa kundi sundin nalang sila. Minsan kahit na wala talaga akong gana ay kakain nalang ako dahil parati kong naiisip si Travis, subalit maging sa pagkain ko mukha niya ang nakikita ko. Pinag sasabihan na rin ako ni Kuya na bumabagsak na ang katawan ko dahil ilang araw na akong ganito.

Gusto kong ipakita na malakas ako. Gusto kong ipakita na kahit na wala si Trave ay kaya ko. Gusto kong ngumiti, maging masaya. Pero sa tuwing susubukan ko, nabibigo ako. Hindi ko kayang maging masaya habang yung taong sobrang mahal ko ay nakahiga roon sa kabaong na 'yon at wala nang buhay. Sana sa araw na dumaraan na nakahiga siya doon, sana ay natutulog lang siya. Sana dumating yung araw na gigising na siya, at gigisingin ako sa masamang panaginip na ito.

"W-wala akong gana." nanghihinang tugon ko.

"Candace, don't do this to yourself, please. Tingin mo ba ay magugustuhan ni Travis na ganito ka? Remember, na kahit naka pikit siya roon," turo niya sa kinalalagyan ni Trave. "He can still see you. He's just watching you. Guiding you, like what he always do. At kung nakikita ka niyang ganyan, for sure he'll get mad." napa yuko nalang ako at pinaglaruan ang mga daliri. Nung umpisa ay malinaw pa ang nakikita ko, pero unti-unti ay nanlalabo ito hanggang sa nababasa na ang kamay ko dahil sa hindi ko mapigilang luha.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon