Chapter 3- Mag-isa
7:00 am nang magising ako. Bakit ganon? In-alarm ko 'to kagabi bago ako matulog ha? 6:45 ko 'to ni-set eh, pero bakit 'di tumunog? Katabi ko lang yung alarm clock kaya imposibleng hindi ko marinig. Tsk!
Nagmadali nalang akong kumilos. Naligo ako na sinabayan pa ng pag-hum. Ganito talaga ako pag naliligo, yung tipong may nagaganap na concert sa loob ng banyo.
"hmm... hmm... hmm..." feel na feel ko pa habang nagsh-shampoo. "and we'll never be roooyaaaals! Royals---!" pero natigilan ako nang marinig ko ang pag-tulo ng tubig mula sa gripo ng sink. Nilapitan ko yun at sinara ang gripo.
Nagbanlaw na agad ako ng ulo at katawan saka nag-madaling magbihis. Male-late nako! Papalabas na sana ako pero may naririnig nanaman akong tumutulo. Binuksan ko ang ilaw at nakita kong tumutulo nanaman ang tubig sa gripo. Ano ba yan? Sira ba ito? Sinara ko nalang, dahil male-late na ako. 8 ang klase namin, kung di ko pa mamadaliin ay baka matuluyan na akong ma-late.
Sinilip ko sa cellphone kung anong oras na, 7:45 na malelate na ako pero naglalakad pa rin ako. On the way nalang ako kakain. Bumili nalang ako ng Oreo sa tindahan saka pumara ng jeep. Actually malapit lang naman yung tinutuluyan ko sa school, walking distance lang kaya dito ako nag-rent, pero sadyang mahuhuli na talaga ako kung lalakbayin ko pa papunta ron.
Nag-vibrate ang cellphone ko, nakita kong may message galing kay Travis.
From: Trave ♥
Hi, baby! Good morning! Where are you? I'll wait for you. ♥
To: Trave ♥
I am on my way. Wait for me at the gate. Thanks! Love you! :*
"Para po!" sigaw ko sa driver, nung huminto na ay bumaba nako. May iilang students pa akong nakasabay.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang malaking ngiti at kumikinang na matang nakatingin sakin ni Travis. Ang gwapo talaga niya, lalong bumagay sa kanya ang black na V-neck shirt. Maputi kasi siya at malaki ang katawan, broad ang likod, mas lalo lang na-depina ang muscles niya.
Binabati siya ng mga dumaraang students na papasok sa gate, yung iba kumakaway pa! Tinatanguhan lang niya ito tapos balik ulit ang tingin sakin. Ang swerte ko, dahil sa lahat ng babaeng nagkakandarapa sa kanya ay sakin siya napunta!
"Male-late na tayo," bungad niya ng makalapit ako.
Ngumiwi ako, "Oo nga eh. Sorry!"
"It's alright. Let's go?" anyaya niya.
Two years na ang relasyon namin, at sisiguruhin kong magtatagal pa yon. Magkaiba kami ng course, kaya magkaiba ang sched namin, may iilan lang na parehas at magkaklase kami. Tulad ngayon, first subject ay classmate ko siya.
"Did you eat?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa first class namin.
"Mm..." tipid na sagot ko na tumango pa.
"Anong kinain mo?"
"Ahh... biscuit"
"What? Bakit yun lang?!" may halong inis na tanong niya pa sakin.
"Kasi nga po eh, mele-late nako." nakangusong dahilan ko na totoo naman.
"Psh! Kahit na! Dapat nag pa-late ka na lang kesa magutom ka sa klase!" nag-aalburoto nanaman si Tatay!
"Okay lang naman ako---"
"No! Tara na! Deretso na tayo sa canteen." Hila niya sakin. Pinilit kong alisin ang kamay ko pero masyado siyang malakas kaya nadadala ako.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...