Chapter 37- My Promise
Umiiyak pa rin ako hanggang sa unti unting gumalaw ang kamay niya. Sinundan ko ng tingin kung saan iyon papunta, palapit sa mukha ko.
Kinikilabutan ako at nanginginig, gusto kong pigilan ang kung anumang gagawin niya ngunit hindi ko magawa sa takot. Paano ko siya pipigilan? Ayokong hawakan niya ako at ayoko ring hawakan siya.
Nakapikit ako habang naghihintay sa kanyang gagawin. Hinintay ko ngunit wala akong maramdaman, hanggang sa mapadilat ako nang kumulog at wala na siya sa harapan ko.
Dali-dali akong gumapang, lumabas mula sa ilalim ng kama at umakyat patungo sa kama ko.
Binalot ko ang sarili sa kumot. Nanginginig pa rin ako. Nakapikit, ayokong makakita. Ayoko nang makita ang lahat. Ayoko na siyang makita.
Nakatulog ako nang gabing iyon sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.
Kinabukasan ay maliwanag na. Hindi ko alam kung umuulan pa ba, hindi ko na sinikap pang sumilip pa. Kahit na pag bangon ay hindi ko na muna kinilos. Nanatili akong tulala sa taas ng kama. Ngunit kalaunan, ay nagsawa na ako kakaisip, sasakit lang ang ulo ko.
Tamad akong dumeretso sa banyo para makaligo at ayusin ang sarili.
Sa banyo ay hinayaan ko lang ang sarili kong mabasa sa shower.
Ano na ang gagawin ko? Susuko na ba ako? Ayoko na. Ayoko na. Aalis na ako dito, uuwi nalang ako.
Namimiss ko na sila mama at papa. Namimiss ko na ang bahay namin. Namimiss ko nang mabuhay ng tahimik.
Sawa na ako sa araw araw ng ganito, wala naman akong pake sa kanya e. Sa lahat ng ginawa niya sakin, sa lahat ng nangyari hindi ko na iisipin pang manatili dito. Saan ko ba nakuha ang kaawaan siya, kung siya nga ay hindi naawang gawin sakin ang lahat ng ito. Pati ang mahal ko ay kinuha niya sakin. Ang buhay ng pinakamamahal kong tao ay nagawa niyang kunin.
Inosente si Trave pero bakit siya ang nawala?
May kakaiba akong naramdaman sa likod ko kung kaya napatayo ako ng tuwid sabay lingon, akala ko ay may nandoon. Nakaramdam ako ng bahagyang takot kaya naligo nalang ako ng tuluyan.
Matapos kong maligo ay tumawag ako para umoreder nalang. Ayokong lumabas. Ayokong umalis. Wala rin naman akong pupuntahan. Nang maka order ay sunod kong tinawagan si mama para ipaalam ang pag uwi ko... at paglipat ng bagong boarding house.
"Ma," sagot ko nang marinig kong sagutin ito ng nasa kabilang linya.
"Oh anak! Bakit? Kumusta ka jan?" maligayang boses ni mama. Pakiramdam ko ay napaka tagal niyang hinintay ang tawag ko, kaya ngayong nakatawag ako ay napaka saya niya.
"Ayos naman po. Kayo?" tanong ko.
"Ayos din naman." sagot niya. "Teka, bakit ka napatawag? Kumain ka na ba?"
"Ah, hindi pa po, umorder lang ako. Ayoko po kasing lumabas ng kwarto." sabi ko, narinig ko ang pag tikhim niya. "Ah, ma, uuwi po ako jan." ngumiti ako.
Masaya ako, totoo, pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ako lubusang masaya? Hindi ba dapat ay masaya ako kasi makaalis na ako, makakalayo na ako dito sa bahay na ito. Makikita ko na sila mama, makakauwi na ako sa amin na matagal ko nang hinihintay. Pero hindi lubos ang kagalakang nararamdaman ko. Naguguluhan ako kung saan ko nakukuha ang pangambang nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...