Chapter 30

6.4K 126 3
                                    

Chapter 30- Notebook

Umalingawngaw ang boses ko sa bawat sulok ng kwartong ito. Dininig ng pader at mga aparato ang sigaw ko. Maging si Ate Vikky na kanina'y mahimbing na natutulog ay nagising.

"Ano ang nangyari?" tanong niya. Nanginginig ako sa takot at nakasalampak na sa sahig ngayon. Ang parehong mga kamay ko ay nakatakip sa aking mukha. "Candace, bakit?" gusto kong tingnan si Ate Vikky at sagutin, nag aalala rin akong baka umalis siya sa kanyang kama, kaya lang ay hindi ko magawa dahil sa takot na baka nandyan pa rin iyong babae.

Subalit nang mapagtanto kong wala na siya ay umiiyak at mabilis akong tumakbo palapit kay Ate Vikky.

Naka upo na siya ngayon sa kanyang kama. Mabilis namang pumasok ang iilang nurse at doktor, halong pag aalala at pagtataka nang maabutang nasa ganoon kaming sitwasyon.

"What happened?" tanong ng doktor na kaninang tumingin kay Ate Vikky.

Hinihintay nila ang pagsagot ko subalit umiling lamang ako ng umiling kahit na lumuluha.

Lunapit ang isang nurse sa dextrose na nasa gilid ni Ate Vikky at inayos o chineck 'yon.

Ako naman ang binalingan ng doktor, "Are you alright, hija? Ano ba ang nangyari?" tanong pa nito.

Kumalma ako, nilingon ko si Ate Vikky na nag aalalang nakatingin rin sa akin, magtama pa lang ang mata namin ay alam kong alam na niya ang dahilan nito, bago muling humarap sa doktor. Tumango ako upang sabihing ayos lamang ako.

"P-pasensya na po." nahihiyang paumanhin ko sa nagawang eksena. Marahil ay dahil sa sigaw ko napag alala ko sila.

"Are you sure? You want too-"

"Okay lang po ako!" pasigaw kong putol sa doktor. Nagulat siya sa biglaan kong pagsigaw, ganun na rin ako. "A-ayos lang po." napayuko akong muli. Ayoko nang masyadong sumagot at tanungin. Kinakabahan pa rin ako.

"O-okay. 'Wag mo na lang sanang uulitin ito kung walang dahilan. May mga pasyente sa kabilang kwarto." paalala nito bago binalingan ang nurse na nagcheck upang tanungin sa kalagayan ni Ate Vikky.

Halo-halong pakiramdam ang bumalot sakin; hiya, takot, kaba, at gulat.

Hinintay kong lumabas ang doktor at nurse, nag iwan pa ito ng mga bilin sa amin bago umalis, saka ako humarap kay Ate Vikky. Nagtatanong na mga mata agad ang nakita ko.

"Andito siya," hindi ko man sabihin kung sino alam kong alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.

Nangunot ang noo niya, "A-ano? S-saan? Kailan?" hinagilap ng mata niya ang babaeng tinutukoy ko.

"Kanina. Sa harap mo." pahina ng pahinang sabi ko.

Dahan-dahan siyang napatingin sakin at nanahimik. Bumalatay ang magkahalong gulat at takot sa mukha niya.

"Hindi ko alam kung anong kailangan niya. This is what I am talking about, siya marahil ang may gawa sayo nito." nanggagalaiti kong sabi.

"Anong nagawa ko? Is she going to kill me too? Bakit?"

Umiling ako, "H-hindi ko alam. Hindi ko rin alam ang dahilan ng mga paghihiganti niya."

"Paano niya nagagawa ang mga bagay na ito? Wala akong maisip na dahilan! Candace... shouldn't we tell this to your brother--?"

"Hindi! Hindi pwede, walang makakaalam nito! Hidi si kuya o kahit na sino! Marami madadamay, maraming mapapahamak." pagalit kong putol sa kanya.

"Para matulungan niya tayo!" desperado na ang tono niya.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon