Epilogue

5.4K 140 18
                                    

Epilogue

"Dace,"

May tumatawag sakin. Si Travis.

"Dace! Candace!" Hindi ko siya makita, pero alam kong siya 'yon. Alam na alam ko kung kanino nagmamay-ari ang boses na iyon. Ilang taon kong narinig iyon, at isang tao lang ang tumatawag sakin sa pangalang iyon.

Nagmulat ako ng mata, agad kong nakita ang nakangiting si Travis sa harap ko. Ang ngiti niyang inakala kong hindi ko na makikita pang muli.

Oo, nakikita ko siya. Nasa harap ko siya ngayon at ginigising ako. Hindi ako nagkamali, siya nga ang tumatawag sakin.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Naramdaman ko ang palad niyang humaplos sa mukha ko. Maging ako ay hindi alam ang dahilan ng pag luha ko, hindi ko nga namalayan na umiiyak na pala ako. Pinahid niya ang luha sa aking mukha.

Buhay si Travis. "I'm just happy." Napaka-sayang magising sa umaga kung ito ang makikita ko unang araw palang. Ang sarap mabuhay kung pagdilat mo palamang ng mga mata mo ay ang taong mahal mo na agad ang haharap sayo.

Parang wala nang dahilan para ma-badtrip o malungkot ako ngayong araw. Parang wala nang dahilan para mag almusal ako, dahil makita pa lang kita ay busog na ako.

Lahat ng nangyari, panaginip lang ba 'yon? Buhay talaga siya? Makakasama ko pa siya ng matagal? Hindi na niya ako iiwan? 

"Don't cry. I don't wanna see you crying." bulong niya sakin habang sinasakop  ng dalawang kamay niya ang mukha ko. "I love you. Ayoko nang makitang umiiyak ka, okay?"

Tumango ako sa kanya. "Stay with me, okay? Hindi mo na ako iiwan?"

"Lagi kitang babantayan. Lagi akong nandito para sayo. Mahal na mahal kita, Dace!" mas lalo siyang ngumiti sakin. Hanggang sa maglaho siya, nawala ang magagandang ngiti na gustong gusto kong makita.


Nagising ako sa nakakasilaw na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nahirapan akong imuat ang mga mata ko kaya isinangga ko ang mga palad ko rito. Ibinaling ko ang tingin ko sa oras sa gilid ng aking kama. 8:40AM.

Mabilis akong bumangon, si Travis!

"Trave!" inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwartong ito. Wala pa ring Travis akong  nakikita. 

Panaginip.

Lagi akong dinadalaw ni Travis sa panaginip. Lagi niyang sinasabi saking wag akong umiyak at maging masaya lang ako. Lagi niyang pinapaalala sakin na mahal na mahal niya ako at nasa tabi ko lang siya, na binabantayan niya ako. Pero hindi ko magawa, hindi ko magawang maging masaya sa tuwing magigising ako sa panaginip na iyon, at magigising sa katotohanang wala naman talaga siya.

 Isang tao na rin akong tumitira sa bahay ng kuya ko pero parang bago pa rin ng bago sa akin ang paligid sa tuwing gumigising ako.  

Hindi ako masanay sa kwartong walang nagpaparamdam, sa kwartong madilim at puno ng takot.

Tuluyan akong tumayo at lumabas ng kwarto, bumungad ang maaliwalas, maliwanag na sa sala sakin.

Hindi ako masanay sa bagong tanawing makikita sa hallway ng bahay, sa hallway na maliwanag, at bahay na may makikita kang tao.

"Good morning, Candace!" ngumiti sakin Ate Vikky.

"You're awake! Good morning!" si kuya na nagsusuot ng kanyang wrist watch at magulo pa ang soot na polo, maging ang kanyang neck tie ay hindi pa rin maayos.

"Uhm, yeah, good morning." bumaba ako sa 3 hakbang na hagdan.

Hinarap ni Ate Vikky si kuya at tinulungan siyang ayusin ang neck tie. Madalas na dumederetso dito si Ate Vikky tuwing umaga, aniya'y para sabay sila ni Kuya.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon