Chapter 1

20.4K 364 35
                                    

Chapter 1- Repleksyon

Pinagpapawisan nako sa bigat ng mga dala ko. Ang tirik pa ng araw. Tahimik at halos wala kang makikitang tao sa lugar na ito. Buti at natatanaw ko na ang malaking boarding house na tutuluyan ko. Malaki siya, at nasa gitna ng dalawang daan.h

Pumasok ako sa naturang bahay. Tahimik at wala ring tao. Maliwanag at malawak ang hallway. Sa gitna may hagdan at sa magkabilang gilid ay hallway.

Tok tok tok

Kinatok ko ang pintuan na nasa kaliwang bahagi. Nakaka-ilang katok nako pero wala pa ring sumasagot.

“Tsk! Nasan ba mga tao dito?” bulong ko sa sarili.

Eeennk

Bahagya kong binuksan ang pintuan para silipin kung may tao. Bukas ang ilaw at electricfan. Binuksan ko pa ng kaunti para mas makita ang loob. Wala. At---

“Aaaaaaaaaaaaahhh!” nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang malakas na tili na yun mula sa aking likuran. “S-sino ka?” tanong ng boses babae. Huminga ako ng malalim at hinarap ito.

Nanlaki pa ang mata ko nang makitang ang sama ng tingin niya sakin.

“A-ako po si Candace, magb-board po ako.” Kabadong sagot ko sa kanya. Tinitigan lang ako ng masama ng babae. Mukha ba akong magnanakaw? Arrgh! “A-anak po ni Claire Eralgo.” Nanlaki naman ang mata niya.

“I-ikaw ang anak niya?!” gulat pang tanong niya.

“O-opo.”

“Aba, hindi mo naman sinabi agad. Tara tara, tuloy ka!” Niyakag niya ako papunta sa loob ng opisina  niya. “Akala ko naman kung sino eh.”

“Ah eh… pasensya na ho. Kanina po kasi kumakatok ako wala namang sumasagot. Kaya sinilip ko po kung may tao.”

“Ah, may siningil kasi ako eh.” Tumango nalang ako. Sinimulan na ni Ate Sally na iexplain sakin yung mga mangyayari sa room ko. Yung pagbabayad at kung anu-ano pang rules and regulations. Si Ate Sally yung may ari ng apartment na ‘to at kumare siya ni Mama. Mabait pala siya, napagkamalan lang akong masamang tao. Heller? Ganda kong ‘to?

“Oh, dito ang magiging kwarto mo ha.” Sabi niya sabay bukas ng pintuan. Sa second floor ang magiging kwarto ko dahil daw marami na ang nagrerenta. At iyon nalang ang mas malapit na space para sakin.

“Sige, salamat po.”

“eto ang susi oh,” abot niya sakin ng susi na gagamitin ko. “ Isa lang yan at ang duplicate ay sakin na, para kung sakaling mawala ang iyo ay meron ako. Pwede mo ring ipa-duplicate yan kung gugustuhin mo. Kung may kailangan ka pa, andun lang ako sa ibaba, wag ka’ng mahiya magsabi. Okay?”

“Sige po.” Nginitian ko siya at pumasok na sa loob habang dala dala ang mga gamit kong super bigat!

“Bababa na muna ako.” Sabi niya at nilingon ko, tumango pa muna ako bago siya tuluyang umalis ro’n.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Sakto lang para sakin, double-deck ang kama, kumpleto na rin, may unan at kumot. May roong ceiling fan wala nga lang tv.

Ibinaba ko sa tabi ang mga gamit ko at ni-tour ang titirhan ko. Sa tabi ng double bed ay may study table, katabi rin nun ay isang malaking cabinet. Binuksan ko yun para tingnan kung may laman, para maibigay ko na agad kay Ate Sally, pero nang wala akong makitang kahit ano ay saka ko na sinara ang cabinet na may nakakatakot na tunog. Lumang luma na siguro ‘to? Tss.

“Makapag-ayos na nga.” Bulong ko sa sarili at lumapit sa bag ko. Kinuha ko yung toiletries ko na nakahiwalay sa isang bag at dumeretso sa c.r. ilang dipa ang layo sa tapat ng kama.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon