Chapter 13- Babalik
Dahan-dahang ibinaba ko ang paningin ko sa bagay na hinahawakan ko. Lumulunok ako at mariing pumipikit, naramdaman ko ang luhang lumandas sa mata ko nang pumikit ako. Naroon pa rin sa dibdib ko ang naghahabulang mga kabayo. Halos mabingi ako sa lakas ng pagtibok ng puso ko, iyon lang ang naririnig ko ngayon, maliban sa napakalakas na ihip ng hangin na nagpatindig sa mga balahibo ko. Pero hindi ko pinansin ‘yon, kahit na hindi ko alam kung saan nanggaling. Imosibleng sa bintana dahil sarado ito.
Binuksan ko ang mga mata ko, natatakot sa kung anumang makita ko. Hindi ko maalis alis ang kamay ko, ni hindi ko rin magawang ilapat ng husto ang mga ito dahil pakiramdam ko ay kusang gagalaw ang bagay na inaabot ko.
Nang tumama ang paningin ko sa kung anuman iyon ay mabilis na lumapat ang parehong kamay ko sa bibig kong halos sisigaw na. Pigil na pigil ko ang pagsigaw ko, pero ang mga luha ko ay hindi ko kayang hindi pigilan sa pagtulo. Nanginginig akong lumayo ron at tinignan kung saan ito nagmumula. Fuck!
Habol-habol ko ang hininga ko at impit ang sigaw nang sundan ko ng tingin ang kamay at braso nito, nakita kong papunta ito sa ilalim ng kama, nagulat nalang ako nang may maapakan akong malapot sa paanan ko. Puro mura ang nabubuo ko sa isip ko, naaninag ko ang dugong kumakalat sa sahig na nagmumula sa ilalim ng kama. Hindi ko na napigilan pa ang sigaw ko at tuluyan na akong napa-tili. “Aaaahhh!” tuloy-tuloy ang agos ng luha sa pisngi ko, nanginginig ang kamay kong napasabunot sa buhok ko.
Atras lang ako ng atras hanggang sa madulas ako’t mapa-upo sa sahig, pero hindi ako tumigil sa paglayo sa dugong lumalapit sa pwesto ko at nanatiling nakatitig sa ilalim ng kama. Naramdaman ko nalang ang pader sa likod ko dahilan para matigilan ako sa pag-atras na ginagawa ko.
Hirap na akong huminga at gusto ko nalang matapos ang gabing ito, pero muli kong narinig ang sarili kong mas malakas na sumigaw at umiiyak, “Aaahhh!!” napapikit ako ng mariin para mawala sa paningin ko ang mukha ng isang babae na nasa ilalim ng kama at walang malay. Deretso itong nakatingin sakin habang bahagya itong nakangnga. Nanginig ang buong katawan ko at gusto ko nang magwala. Nakapikit lang ako at patuloy na sumisigaw.
Para akong mababaliw sa nangyayari. Pilit kong inaalis sa isip ko ang imahe ng babaeng ‘yon pero kahit anong pikit ang gawin ko ay nanatili ito sa memorya ko. Hanggang sa narinig ko ang hakbang ng mga paa’ng papalapit sakin. Nagkaroon ng pag-asa. Nabuhayan ang namamatay kong kaluluwa. May tao. May tutulong sakin. Kahit kakarampot ay nakaramdam ako ng kaligtasan, kahit nasa akin pa rin ang takot.
Nang marinig kong bumukas ang pinto ay nag angat ako ng tingin. Nanigas ako sa kinasasalampakan ko at parang gripong umagos at dumami ang luhang inilalabas ng mata ko. Ang mga kabayong naghahabulan ay lalong bumilis at parang nangangarera ang mga ito.
Mga kaluluwa. Mga patay na tao ang nakatayo sa harap ko ngayon at lumalapit sakin. Wala silang mukha pero may katawan at ulo sila. Gusto kong lamunin ng lupa ngayon o malusaw nalang para mawala na sa kanila.
Natatakot ako. Sobra. Wala akong nagawa kundi ang mapapikit at sumigaw ng sumigaw habang ang mga kamay ko ay nangingnig na tinatakip sa mukha ko, umaasang may makarinig sakin at may tumulong.
Naramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko. Pilit inaalis ang kamay na nakatakip sa mukha ko. Mas nanginig ako at nanlamig ang buong katawan na animo’y binuhusan ng nagyeyelong tubig.
Maraming nagsasalita at isa sa kanila ay wala akong naiintindihan. Para itong bumubulong sa tenga ko at naghahalo-halo hanggang sa hindi ko na maintindihan. Nangibabaw ang boses ng tanong sumisigaw ng pangalan ko, “Candace! Ate Candace!”
Mas lalo lang akong natakot. Kinabahan. Kilala ko ang boses na iyon, kilala ko kung sinong nagmamay-ari ng boses na ‘yon at natatakot akong magmulat ng mata. Natatakot akong makita siya. Natatakot akong malaman kung totoo nga ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horror"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...