Chapter 44

5.7K 147 39
                                    

Chapter 44- Pagmasdan

"Tulungan mo 'ko." that was the last thing I heard bago ako makalabas ng bahay ni Tita Tracy.

Oo, gusto ko siyang tulungan. Gustong gusto ko siyang tulungan noon pa man. Simula pa lamang nang malaman ko ay gusto kong gawin ang makakaya ko matulungan lang siya ngunit ang hinihiling niya ay hindi ko kaya ibigay.

Kung hinihiling niya sakin ay tulungan siyang makabawi kay Marianne ay hindi ko maibibigay. Kung hinihiling niya sakin ay tulungan siyang patayin ni Marianne ay hindi ko kaya.

Hindi! Hindi maaari! Hindi pwede! Hindi ko kaya! Kung gagawin ko yon ay parang ako na rin ang naglagay sa kanya sa kapahamakan, parang ako na rin ang pumatay sa kanya.

Ilang araw ko na ring hindi nararamdaman si Marianne. Gagamitin ko ang pagkakataong ito para mas mapag isipan ko ang balak niya. Hindi ko alam kung importante pa ba sakin kung sino siya, pero gusto kong malaman kung nasaan na ba ang nanay niya.

Naglalakad ako nang magring ang cellphone ko para sa isang tawag.

"Mama?" sagot ko.

"Hello, Candace?"

"Bakit po kayo napatawag?"

"Wala naman. Mangungumusta lang," aniya. Umupo ako sa batong upuan na nakita ko. "Saan ka? Sa labas?"

Marahil ay naririnig niya ang ingay ng mga sasakyan kaya nalaman niyang nandito ako.

Mahaba haba ang naging pag uusap namin ni mama. Marami siyang tanong at aniya'y namimiss na niya ako, kami ni kuya.

Nagawa ko ring maka usap si papa at Casey. Kinamusta na rin nila ang lagay ni Tita Tracy, sinabi kong kakagaling ko lang sa kanila. Pero siyempre, hindi ko pinaalam ang nangyari.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang boarding house.

Tinext ko si Kuya Rex upang sabihin na tulungan akong mahanap ang mama ni Marianne, wala pa siyang reply ngayon.

Pagkabukas ko ng room ay walang tao. Si Mari? Akala ko ba ay dito lang siya.

Nakita kong bukas ang ilaw sa banyo, pero hindi naka sara ang pinto.

"Mari, nakausap mo na ba si Ate Sally?" pasigaw kong tanong upang marinig niya.

Nanatili ako sa harap ng study table para icheck ang box na nakuha ko sa kabilang kwarto.

"Mari?" muling tawag ko nang hindi ito sumagot.

Patuloy ako sa paghahanap sa box na iyon. Ngunit sa huling pagkakataon ay hindi sumagot si Mari, tanging narinig ko ay ang mga gamit na bumagsak.

Ano yun? Anong ginagawa nito at bakit ang tagal sa banyo?

Lumakad ako palapit sa banyo, "Mari, ano nangyari?" Kinatok ko muna ang bukas na pinto bago ako sumilip.

Nagulat ako nang makitang bukas ang cabinet at ang mga gamit na nasa loob ay nahulog.

Hinagilap ng mata ko si Mari ngunit walang nagpakita sakin.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon