Chapter 18

6.1K 130 3
                                    

Chapter 18- Mag ingat ka


Pinilit ko ang sariling mabuksan ang pintong nasa harap ko, kahit alam kong hindi iyon mangyayari dahil naka lock ito. Kinakalampag ko pa rin at kinakatok, nagbabaka sakaling may magbuk as mula sa loob. Masyado na akong desperada na mabuksan ito at malaman kung anong nasa loob.

Gusto kong magwala at umiyak sa mga nangyayari. Hindi ito normal. Hindi ko kailanman ito nararanasan, gusto ko nalang ito tumigil na.

"Candace," nangilabot ako sa boses na narinig ko, at dahan dahan na itinigil ang pagwawala sa pintuan.

Nilingon ko ang boses ng babaeng tumawag sakin. Papalapit siya at nakakunot ang noo.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ng babaeng may mahaba at kulot na buhok sa dulo.

Huminga ako ng malalim at umiling sa kanya. Nilampasan ko ang nagtatakha niyang mukha at dumeretso papasok sa kwarto ko.

Pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay naramdaman ko na ang kamay niyang pumulupot sa siko ko. Pinipigil ang paghakbang ko papasok.

"Okay ka lang ba?" Pabulong na aniya, nag aalala pa rin ang bumabakas sa itsura niya nang lingunin ko ito.

"O-oo." Tanging naisagot ko, maski na alam kong taliwas ito sa totoong nararamdaman ko. "Oo, ayos lang. Okay na okay ako sa mga nangyayaring ito. Okay na okay sakin ang mga nangyayaring hindi ko alam kung saan nagmumula. Okay lang ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong tuluyang umiyak.

Bumuhos ang luha ko sa harap ng babaeng hindi ko alam kung bakit nandito ngayon at nakatayo sa harap ko. Marahang hinahagod ang likod ko at nagaalala ang kanyang itsura sa kung anong kabaliwan ang nangyayari sakin.

"Sorry." Sabi niya. Nagtaka ako kung bakit niya ito sinasabi sa akin pero hindi ko nalang ipinahalata ang pagtataka ko.

"Ah, ano, p-pasok na ako ha."

"Sige. Ingat ka." Nag aalangan pang aniya. Tumango ako saka pumasok na ng tuluyan sa loob, pero hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya. Deretso pa rin ang tingin niyang may gustong sabihin.

Nginitian ko nalang siya.

"Ahh, Candace..." hindi ko na talaga naituloy ang pagsara ng pinto nang tawagin nanaman niya ako.

"Bakit?" Walang ganang tanong ko. Binuksan ko na upang mas makita siya ng maayos.

"Pwede ba tayong mag usap?"

Nanatili ang tingin ko sa kanya, pinakatitiginan ko siya at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung papayag ako o tatanggi, ni hindi ko alam kung anong pangalan niya at kung ano ba ang dapat naming pag usapan.

Sa mga nangyayari at nararamdaman ko, hindi ko na alam kung dapat pa ba akong magtiwala sa mga taong nakakasalamuha at nakakaharap ko. Hindi naman nag iinarte, pero mahirap lang talaga dahil baka hindi ko namamalayan, hindi na pala tao ang kaharap ko.

"Busy ako e, sorry." Saka ko isinarado ang pinto.

Alam kong kabastusan ang ginawa ko pero hindi ko na mapigilan. Naging tuloy tuloy ang paglunok ko, natatakot na baka maubusan ako ng laway na mailulunok. Pero mas natatakot ako sa nararamdaman ko.

Kanina ko pa itong nararamdaman mula nung oras na lumapit sakin ang babaeng iyon, hindi ko nalang ipinahalata dahil ayokong isipin niyang nababaliw na ako. Alam ko naman kasing walang sinuman ang maniniwala sakin.

Nung oras na tumapak ang babaeng iyon sa harap ko ay damang dama ko na ang panlalamig ng batok ko. Damang dama ko kung paanong nagtaasan ang balahibo mula sa batok ko pababa.

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon