Chapter 34

5.3K 119 6
                                    

Chapter 34- What happened


Ayoko na. Is what I told myself last night, but here I am, sitting in front of the person that could possibly know why these things are happening.

Isang light meal ang nakahain sa harap namin pareho. Dalawang pares ng matang nagtititigan. Tatlong minuto na ang lumipas matapos ilapag sa harap namin ang inorder ngunit wala pa ring nagsasalita.

Siya lang naman itong hinihintay ko, dahil siya lang naman itong may sasabihin.

"Anong paguusapan natin?" binasag ko ang katahimikan. Sa tingin ko ay hindi siya magsisimula hangga't hindi ako nagsasalita.

Tumikhim siya at napayuko, dahan dahan gumalaw ang kamay at maingat na ipinatong paharap sakin ang hawak na larawan. Kunot ang noo ko nang muli kong ibaling sa kanya ang aking paningin, upang makakuha ng sagot.

Subalit hindi siya nagsalita, napako lamang ang kanyang paningin sa larawan ng babaeng iyon. "Kilala mo siya?" tanong niya kasunod ng pagtama ng paningin sakin. "Bakit meron ka niyang picture?"

Nilabanan ko ang kanyang tingin, hindi ko maiwasan ang pagsasalubong ng kilay ko. Bakit? Bakit niya ako tinatanong ng ganito? Ano kung kilala ko siya? Siya ba, kilala niya yun? Kaano-ano niya? Ano ang relasyon niya sa babaeng nasa larawan, at bakit kailangan namin siyang pag usapan?

"Anong pag uusapan natin? Ikaw, kilala mo ba siya?" out of frustration nakakalimutan ko na kung sino ang kausap ko. Ang tono ng boses ko ay hindi ko nagugustuhan, ngunit kusa nalang lumalabas iyon sa bibig ko.

Bumuntong hininga siya. "Yes," sagot niya, gusto kong magulat pero hindi ko magawa. Siguro ay dahil inaasahan ko nang kilala niya nga iyon. Hindi naman siguro siya magtatanong kung hindi, ngunit ang pinagtataka ko ay kung anong relsyon niya sa babae? "K-kaibigan ko siya. Malapit na kaibigan."  

Hindi ako sumagot, nakinig lamang ako sa kung anong sasabihin niya. Diretso ang tingin at hindi man lang ginalaw ang nakahain sa harap namin. Masyado akong tutok sa kung anong lalabas sa sasabihin niya kaya hindi ko rin maramdaman ang gutom o interes sa pagkain ngayon. Pakiramdam ako ay mabubusog ako sa mga malalaman ko.

They're close friends, posibleng marami siyang alam.

"Alam mo bang... p-patay na siya?" nag-aalangan niyang tanong. 

Tumango ako. "Pero ang hindi ko alam ay kung bakit at paano siya namatay. Sino ang pumatay sa kanya? Ayun ang gusto kong malaman, na kung bakit hanggang ngayon ay hindi siya matahimik?" pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Nakakalimutan ko kung nasan kami at kung sino ang kaharap ko.

Nagtataka ang itsura ni Kuya Rex ng tingnan ako, "Anong ibig mong sabihin?"

"Oo, ginugulo niya ako! Ang pamilya ko at ang mga malalapit sakin! Namatay ang boyfriend ko dahil sa kanya sa hindi ko malamang dahilan! Ginugulo niya ako at gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito!" pinigilan ko ang pagtaas ng boses ngunit hindi ko na kaya pang pigilan ang panggigigil at ang pagpatak ng luha ko nang maalala ang nangyari kay Travis. "Nawala yung mahalagang tao sakin dahil sa kanya. Sa kaluluwang hindi ko alam kung bakit ginagawa ang lahat ng ito! Yung araw-araw pumapatay sakin sa pagkawala ng taong mahal ko at sasabayan pa ng mga kababalaghang pinaggagawa niya."

Nakikita ko ang pinaghalo-halong awa, gulat at lungkot sa mga mata niya. Halatang hindi niya rin malaman ang sasabihin kaya ang tanging nagawa lang niya ay tingnan ako ng ganoon.

Nagbaba ako ng tingin at huminga ng malalim. Ilang minuto ang lumipas bago ako muling nagsalita. "Bakit siya pinatay? Paano? Sino?" hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit tinutuloy ko pa rin ito. Siguro ay dahil kahit na tumigil at lumayo ako ay hahabulin niya pa rin ako at hindi titigilan. 

RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon