Chapter 26- Nasimulan Ko Na
Wala sa sarili akong naka-uwi sa boarding house, nakakapagtaka nga't ligtas akong nakabalik sa bahay gayong lutang ako. Gabi na nang maka-uwi ako, pero hindi ko na hinayaang late akong maka-uwi nang makausap ko si Ate Vikky. Doon na rin kami sa mall nag dinner at nagkahiwalay rin dahil magkaiba kami ng way na dadaanan.
Marami akong nalaman. Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Mas lalong kailangan ko nang mag-ingat.
Naabutan ko si Sandra sa tapat ng pinto ko nang marating ko ang may kadiliman na pasilyo sa second floor. Nakatayo ito at nakaharap lamang sa pinto ng kwarto ko na animo'y hinihintay itong pagbuksan kahit walang tao sa loob. Nakakapagtakang di niya kasama ang kambal niya.
"Sandra?" tawag pansin ko sa kanya, bahagya siyang napatalon sa gulat. "Anong ginagawa mo jan?" takang tanong ko, kunot ang noong nakatingin sa kanya.
"A-ate Candace," nagaalinlangan siya kung lalapit ba sakin o hindi. Dahil siguro iniisip niyang lalayuan ko siya sa oras na lumapit sakin. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hawakan niya ako, pero naisip kong bakit ko naman gagawin iyon? "Please listen to me..." mariing aniya.
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung ang dapat ko bang marinig sa kanya ay yung sagot na hinihintay ko. Pero sa nagmamakaawa at nangungumbinsi niyang tingin sakin ay nagawa kong manatili para makinig sa sasabihin niya.
"I am so sorry k-kung hindi namin magawang magkwento sayo nitong mga nakaraan araw." Panimula niya. Gusto ko na agad siyang pigilan sa pananalita at sabihing tigilan na niya ang ito dahil hindi ko na iyong kailangan ngayon. Pakiramdam ko ay pagod ako at gusto ko nalang mamahinga na muna, pero sa malalim at seryoso niyang tingin ay nananatili akong nakikinig sa kanya at walang sinasabi. Yumuko siya at nagkutkot ng kuko sa daliri ng mga kamay. "Ang totoo... natatakot ako e." sabi niya.
Alam kong may dapat syang katakutan, lalo pa't may alam siya, pero nagugulat pa rin ako ron. Walang lumabas na salita mula sa bibig ko.
"Natatakot ako kasi... k-kasi..."
"Kasi ano?" nawawalan ng pasensyang tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin sakin dahilan para magtama ang aming mga paningin, "Kasi nakikita ko siya." kitang kita ang takot sa mata niya. Hindi ko alam kung anong nakikita niya sa mata ko, pakiramdam ko ay nagulat ako, natakot, at nabahala.
"A-ano?" parang hindi ko makuha ang inamin niya.
"Nakikita ko siya at n-natatakot akong magsalita ng kung anumang tungkol sa kanya dahil takot ako na madamay kami sa oras na... sa oras na sabihin sayo ang nalalaman ko." magkahalong awa at takot ang nakikita ko ngayon sa mata niya. "At sa puntong 'to ay sobra-sobrang takot ang nararamdaman ko. Kaya wala ngayon si Samara, malakas kasi ang pakiramdam niya tuwing may kung anong nararamdaman ako, lalo na kung magkasama kami."
Umiling ako dahil para akong naguguluhan.
"Sakripisyo 'tong ginagawa ko dahil gusto kong maintindihan mo, Ate Candace. Dahil maaari kaming madamay. Sana maintindihan mo kung bakit kailangan kong iiwas ang sarili ko sa usaping ito. Sana maintindihan mo kung bakit ayokong magbuka ng bibig. I want to help," inilapit niya ang mukha sakin. "Gusto niyang gumanti." bulong niya sa tenga ko, na malakas namang nagpakabog bigla sa dibdib ko. Nakapikit na siya nang lumayo sakin, doon lumandas ang luha sa mata niya. "Gusto kong tumulong pero wala akong kakayahan, ate. Nakakatakot na sa tuwing lalapit ako sayo ay nar'yan siya't nakamasid. Katulad nalang ngayon, na habang tumatakbo ang oras na magkausap tayo... nasa likod ko siya't binubulungan ako."
Hindi ako nakapag-salita. Nanatili akong blangko. Matagal na pinoproseso ng utak ko ang lahat ng lumalabas sa bibig niya.
Nakikita niya yung kaluluwa. May alam siya sa mga nangyayari. Natatakot siya na madamay sila. At kasama namin ngayon ang kaluluwang iyon, at gusto niyang maghiganti.
BINABASA MO ANG
Roommate
Horor"Nakapag-rent ka na ba sa isang boarding house? Kung oo, parehas pala tayo. Kaso hindi ko alam kung parehas tayo ng feeling. Iba ang pakiramdam pag andun ka sa kwarto ko. May roommate ako, hindi nagpapakita, pero nagpaparamdam. Hindi mo mahahawakan...