4. Game On

252 58 75
                                    

"Life is limited, that's why it's so precious. Since there's a limit, we try our best to live."

-Heiji Hattori

-----

Chapter 4:
Game On

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Paglabas namin ng bahay ay binati ako ng isang kulay asul na kotse. Dire-diretso lamang si Raine hanggang sa, noong nalapitan na niya ang sasakyan, kinatok niya ang nakasaradong bintana nito.

Nanatili akong tahimik, nagmamasid sa may tabi. Hindi ko alam kung sino o saan siya pupunta subalit ayoko naman na madawit pa si Tita kung may kalokohan man siyang ginagawa.

Noong ibinaba ng nasa loob ang salamin ay nagpakita ang isang lalaking pamilyar sa akin. Base sa kaniyang itsura, maaaring nasa ika-labinlimang taong gulang pataas pa lamang siya.

"Saan po?" tanong ni Raine.

"Noli Street," sagot ng panibago na namang misteryosong tao. "Pasok na."

"Talaga bang siya na naman ang hinanap mo?" Narinig ko ang boses ng isang babae sa loob na maaaring katabi ng lalaki.

Binuksan ni Raine ang pintuan ng kotse. Pagkapasok sa likurang bahagi at bago isara, tumingin siya sa akin at nagbigay ng senyas na pumasok na rin ako.

"Sino yan?" tanong ng lalaki sa oras na nagsimula na akong humakbang papasok.

"Kasama ko po, Kuya," sagot niya.

"Ah, talagang naghanap ka pa ng kasama mo para manggulo." Pabulong mang sinabi ng babaeng nakaupo sa harapan namin ang mga salitang iyon, narinig ko pa rin.

"Bantay lang niya po ako," sagot ko na lamang.

Mula sa salamin ay nakita kong napatingin sa akin ang babaeng may mahabang medyo kulot na buhok at mapula ang mga labi. Maayos siya kung manamit at maganda ring tingnan.

Matapos ang isang pagtingin ay inikutan niya lang ako ng mata at saka kinuha ang kaniyang earphones na inilagay sa kaniyang tenga.

Nagsimula na ngang umandar ang kotse. Narinig ko kung anong lugar ang sinabi nila subalit nang dahil sa hindi ako taga-roon ay wala pa akong alam sa mga pasikot-sikot.

"Raine, seryoso ako. Sino yan?" muling tanong ng lalaki habang nakatingin sa akin mula sa salamin.

"Kasama ko nga po, Kuya," sagot niya.

"Alam mo namang hindi ako pwedeng magsama ng kung sino-sino lang, hindi ba?" tanong nitong para bang nagpapaalala.

"Saan ba tayo kasi pupunta?" Nagsitaasan na ang mga balahibo sa aking mga kamay. Nagpupumilit na makawala ang aking mga katanungan kaya naman ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi malalaman ang mga bagay-bagay.

Nabaling sa akin ang atensiyon ni Raine. Tiningnan niya lamang ako at saka nanatiling seryoso ang mukha. "Sa tingin mo?" tanong niya. "Alam kong may kutob ka na."

Hindi ko pa masyadong alam kung ano ang hilig ng babaeng kagaya niya. Saan ba siya pupunta — sa club ba? Sa girls' night out?

"I'm guessing somewhere mysterious," sagot ko na lamang na pilit na napangiti sa sinabi.

"May punto ka nga riyan," sambit niya.

Matapos ang kunting katahimikan, hindi pa rin nagawang kumalma ng aking sarili.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon