𓆩ꨄ︎𓆪1. Lorraine Adriella de Verra

459 69 116
                                    

"Zero is where everything starts! Nothing would ever be born if we didn't depart from there!"

-Shinichi Kudo

-----

Chapter 1:
Lorraine Adriella de Verra

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Makalipas ang mahabang panahon, sa wakas ay makakatungtong na rin ako sa kolehiyo.

Bago pa man ang enrolment ay naguguluhan pa rin ako kung anong kurso ba talaga ang pipiliin ko. Noong sumapit iyon ay hindi ko alam kung bakit napili ko ang kursong Education subalit sana ay tama ang desisyon ko.

Ilang araw na lang ay magsisimula na ang klase sa eskwelahang napasahan ko ng entrance examination. Masaya ako dahil kahit bago pa lang ay sikat na ito sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Handa na akong pumasok subalit ang tanging problema na nga lang ay napakalayo nito mula sa bahay.

Nang dahil sa magastos ang pamasahe ay napagdesisyunan na lamang naming maghanap ng matutuluyan kong malapit sa eskuwelahan.

Sa araw na iyon, pumunta ako sa apartment ng nakatatandang kapatid ko. Pinapunta niya ako roon mag-isa dahil may pinuntahan siyang importante. Dahil medyo mahal ang bayad, nagsama na lang sila ng kaklase niyang babae sa isang unit upang maghati sa bayarin.

Huminto ang taxi sa harap ng isang tatlong palapag na gusali.

"Dito ka na po, sir?" tanong sa akin ng drayber. Narinig ko iyon subalit nang dahil sa nasa kapana-panabik na parte na ako ng binabasa kong komiks ay, sa halip na sumagot sa kaniya, napatili na lamang ako.

"Ahhh! Finally, you expressed your darn feelings!"

"Sir?" Napatigil ako sa pagtili nang sa wakas ay bumalik na rin sa akin ang utak kong lumilipad sa ibang ibayo.

Napatingin ako sa bintana at saka ko nakita ang gusaling sinasabi ng kapatid ko.

"Ah, opo, Kuya! Sorry po!"

Agad kong pinatay ang aking selpon at inilagay sa bulsa ng slacks ko. Kasabay nito, kinuha ko rin ang aking wallet para magbayad. "Saglit lang po, Kuya. Kukuha lang po muna ako ng pamasahe."

Napangiti na lamang sa akin si Kuya nang iniabot ko sa kaniya ang bayad. "Thank you, sir," ika niya.

"Thank you rin po." After a slight bow, I hoisted my two fully-packed bags onto my shoulders.

Humarap ako sa gusali at nakitang may mangilan-ngilan na ring bukas na bintana. "Sana maging maayos naman ang pagtira ko rito," wika ko.

Bago pa man ako makarating, sinabi na sa akin ng kapatid ko na ipinaalam na niya sa landlady ng lugar — ang Tita ko. Sinabi niyang maswerte ako dahil may isa pang unit na puwedeng tuluyan, at pareho kaming makakakuha ng discount sa bayad.

Gusto ko sanang sa iba na lang upang hindi na makipagsiksikan o maghanap ng maliit na boarding house. Ang kaso nga lang ay mas gusto nila Mama at Papa na sa kilalang tao ako manuluyan.

Sa paglibot ng aking mga mata sa gusali ay nakita ko ang sinasabi ng kapatid kong coffee shop ni Tita.

Matagal-tagal na rin bago ko siya nakita sa personal dahil madalas ay sa video call lang. Alam kong magandang pagkakataon na iyon upang mas makilala ko pa siya.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon