"Meretricious... and a Happy New Year."
- Sherlock and D.I. Lestrade
-----
Chapter 36:
Meretricious· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANEMa'am Elizabeth.
Any luck? I need a report before the end of the day or at least tomorrow morning.
Pagtingin ko sa aking selpon ay nakita ko ang mensaheng galing sa kapatid ni Raine.
"Ang ate mo," sagot ko sa kaniya. "Says here that a report is needed at least tomorrow morning."
"Alas-sais y medya na, Zane. Hindi pa nga tayo kumakain," pabulong na wika ni Raine habang umaakyat sa sasakyan.
"Paano kung kailangan talaga ang pinapahanap niya?"
"Ganito na lang, sumama ka na lang sa akin hanggang sa makaisip ako ng maayos na plano," wika nito sa akin na para bang pinipigilan ang kaniyang galit.
Pansin ko na para bang may nililihim siya sa akin subalit alam kong wala naman akong karapatang tanungin siya nang dahil sa hindi ko naman ito kaano-ano.
Ginawa ko na lamang ang sinabi niya at sumakay muli sa kotse ni Kuya Ron. Sa oras na iyon ay kasunod na rin namin ang kulay asul na kotse ni Kuya George.
"... ang kasalukuyang nasa comatose state..." Narinig kong wika ng isang babaeng reporter sa radyo ng sasakyan.
"Sila na ata iyon. Malamang ginawa nila para hindi makapagsalita ang mga hostage," sambit ko.
"Natalo ako sa larong iyon," sagot na lamang ni Raine na nakatulala lamang sa bintana. "Pero kung tutuusin ay natapos ko naman ang bugtong niya bago pa man matapos ang oras na ibinigay. Sinadya niyang patahimikin ang lalaki para hindi na makapagsalita pa ng tungkol sa kaniya."
"Akala ko nga kung siya na ang kidnapper, e," wika ko.
"Hindi, Zane. Mas malala pa sa kaniyang kidnapper. Pinaplano niya na ang lahat sa simula pa lamang," sagot pa niya.
As those words entered my mind, many of the puzzle pieces began to fit together. The kidnapper had planned everything, and it’s possible my arrival in Raine’s life was part of that plan.
For that matter, the kidnapper likely knows my entire life as well as Raine's!
Pagbalik ng atensiyon ko sa kaniya ay hindi pa rin mawala ang kung ano-ano pang bagay na dumarating sa aking isipan. My anxiety is striking again!
"Any suggestion of what we might do to solve your sister's case as well?" tanong ko na lamang.
"Uh... Just to remind you two, Zane isn't allowed to go inside the headquarters because of his probable connection to the kidnapper's game," wika ni Kuya Ron na parang hindi naman kami pinakikinggan nang dahil sa nakabukas na radyo.
Hindi nga ako nakapasok sa loob ng headquarters. Sa halip ay nanatili lamang ako sa loob ng kotse at hinayaan na lang alisin ang kaba ko sa pamamagitan ng pag-scroll sa social media.
Matapos ang ilang pasikot-sikot sa mundo ng internet ay nakarating na ako sa muling pagbabasa ng komiks na sinusubaybayan ko.
"Bakit naman umalis ka pa?" angal ko sa karakter na babae na bigla na lamang hiniwalayan ang kasintahan niya.
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...