"Remember one thing... the word justice isn't a word you can involve in any occasion... it's something we must secretly in our heart."
-Miwako Sato
-----
Chapter 3:
The Ink's Hidden Path· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANENanatili ako sa coffee shop ng ilang oras hanggang sa maging 20 porsyento na lang ang battery ng selpon ko. Muli akong nahatak sa kung ano-anong nakita ko sa social media.
Ubos na ang kape at chocolate crinkles na ibinigay sa akin ni Tita.
Paglingon ko sa salaming pader ng shop, nakita ko ang tuluyan nang paglubog ng araw sa mga matataas na gusali ng Maynila. Sa paligid, wala nang ibang customer sa loob, tanging mga upuan na lamang na nakaayos sa aking harapan.
Handa na sana akong tumayo at humiga sa kuwarto nang bigla akong napahinto. Ang mga salitang nakasulat sa papel ang kumuha muli ng atensiyon ko.
"Sige na nga!" Kinuha ko ang maliit na piraso ng papel na iyon at saka ito inalagay sa case ng aking selpon.
"Sa sunod na kita babasahin," wika ko sa librong isinara kong muli. Kinuha ko ito at ibinalik sa puwesto kung saan ko ito unang nakita. Kinuha ko na rin ang platito at tasang ginamit ko at saka inilagay ito sa counter.
Wala si Tita roon at maaaring nasa kusina, naghuhugas. "Tita, salamat po!" sabi ko. O baka pumasok siya sa apartment gamit ang pintuan na mas malapit doon.
"O, sige," sagot niya mula sa hindi kalayuan. "Balik ka na sa kuwarto mo. May manok sa ref na pinabili ng kapatid mo kanina."
"Manok po? Refrigerator?" tanong ko.
Para saan ang manok na iyon, kahit na bukas pa naman babalik si Ate sa inuupahan niyang unit dito?
At saka, hindi ba’t napakamahal ng bayarin sa refrigerator? Kailangan pa bang may ganoon kami sa inuupahang lugar namin?
"Ang sabi niya, lutuin mo raw ng kahit anong gusto mo," sagot pa ni Tita. "Pwede mo raw iyon pagkasyahin hanggang Lunes para ibaon mo. At saka, huwag kang mag-alala sa bayarin mo sa refrigerator dahil may nagbabayad na doon."
Pumasok sa isip ko ang nakasulat sa maliit na papel.
"Sino ba ang misteryosong babaeng iyon? Paano niya nalamang may kinalaman sa manok ang gusto kong ulam ngayon?" bulong ko sa sarili.
࿐ ࿔*:・゚
Matapos ang lahat, pumunta na rin ako sa wakas sa ikalawang palapag ng gusali, kung saan naroon ang bago kong bahay.
6:45 p.m. Pagtingin ko sa aking dala-dalang selpon ay may notipikasyon na isang mensahe rito.
"Dapat talaga bukas na lang ako nagpunta rito," wika ko bago pa man umalis sa pasilyong kinatatayuan.
Mama.
"Ano kaya ang sinabi niya?"
Pinindot ko ang notipikasyon at saka ko na nakita ang maiksing text ng aking inang nasa bahay.
Matulog ng maaga, anak. Huwag puro selpon.
Unang araw kong mawawalay sa kanila. Malungkot sa pakiramdam subalit nang mabasa ko ang mga katagang iyon, pati na ang ginawa ni Ate para sa akin, ay para bang nabunutan ako ng tinik sa puso.
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Misteri / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...