26. Black-Letter Day

94 26 53
                                    

"Don't judge people from the outside. Like any rose has thorns, the more the person appears nice on the outside, the more you should doubt the inside."

- Ai Haibara

-----

Chapter 26:
Black-Letter Day

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Bakit ako, Ate? Akala ko ba mas marami po ang oras niyo kaysa sa akin?" tanong naman ni Raine na may pilit na ngiti sa kaniyang mukha.

"May mas malala pa akong inaasikaso riyan at hindi mo na gustong malaman pa kung ano iyon," sagot nito. "At isa pa ay isa ako sa mga dinidiing may kasalanan kaya nawala ang bagay na iyon."

"Ano ba ang sinasabi mo pong nawalang bagay?" tanong ko upang makaawat man lang sa kanila.

"Isang USB na mayroong mga nakalagay na plano tungkol sa ginagawang sekretong bagay laban sa mga terorista," sagot ni Elizabeth sa kaniyang seryosong tono. Naglakad siya papunta sa akin at saka hinawakan ang doorknob.

"Ayaw mo ba?" dagdag na tanong nito sa kapatid.

"Nag-aaral pa ako," sagot lamang ni Raine na kinuhang muli ang kaniyang selpon.

Napabuntong-hininga na lamang si Elizabeth at saka tuluyan na ngang lumabas sa apartment namin. "Hanggang sa muli na lang."

Paghina ng mga yabag sa labas ng pasilyo ay nanatili lamang na nakatutok sa selpon niya si Raine. "Pwede bang magtanong?" tanong ko sa kasamahan ko.

Ibinaba niya ang selpon at saka humarap sa akin. "Ano yun?"

"Pwede bang malaman kung ano ang nangyari sa inyo noon? How did you end up being–"

"Being this? My current self?" Nalipat sa akin ang aking itinapong katanungan sa kaniya. "Dahil ba kay Ate?"

"Habang tayo-tayo na lang dito at saka kagaya nga ng sabi ko kanina sa library, apat na taon tayong magsasama rito," wika ko.

Handa na akong makinig sa kaniya. Gusto kong malaman ang nangyari.

Nanatili lamang siyang tahimik at napatingin na lamang sa may kusina. "O sige, sasabihin ko pa ang mga bagay na hindi ko pa sinasabi sa iyo," pagsisimula ko, kung iyon lamang ang paraan upang makuha ang kaniyang tiwala.

"Oo, maayos nga ang buhay namin sa probinsya — normal at saka simple. Pero bago iyon ay hindi na bago sa akin ang siyudad, puno nga lang ng karahasan galing sa mga tao. Ang pinakamalaking problema lang namin ay ang pera," dagdag ko pa.

I suddenly wondered if it was alright to tell her those things. However, seeing her attention was focused, I decided to go ahead and say it.

It might be the only way to make her talk.

"Hindi ko totoong ina ang nag-aalaga sa amin ni Ate — bata pa ako noong nawala ang Mama. Pangalawa siyang asawa ni Papa pero kahit na ano pa ang gawin ko para lang maramdaman kong karapat-dapat ko rin siyang tawaging ina ay hindi ko kaya."

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Naaalala ko pa ang sinabi sa akin ni Raine na may nakakakita sa akin bilang parang babae kung gumalaw subalit wala akong magawa — hindi ko mapigilan ang aking sarili.

I’m fine with being someone who cries easily rather than reverting to my old unruly self.

"Kahit na pambabae man ang asul na t-shirt na binigay sa akin ni Ate noong una tayong nagkita ay hindi ko na iyon pinansin," wika ko pa. "I'm weird, I know, but still, I want to find myself. Hindi ko rin nga alam kung ano ba talaga ang gusto kong maging, e. Gusto kong maging doktor para hindi na maulit ang nangyari sa tunay kong ina pero gusto ko rin naman ng iba pa."

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon