16. Zane, The Couch Potato

96 33 49
                                    

"People can really change. When they're far away from each other, their hearts will change. It's so cruel that the only thing I can do is wait."

- Ran Mouri

Chapter 16:
Zane, The Couch Potato

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Isa't kalahating araw lang nawala ang kapatid kong ito pero ngayon ay hindi na siya 'couch potato'," pabirong wika ni Ate habang sabay kaming naglalakad papunta sa tapat ng apartment ko.

Sasabihin ko sanang ininit ko lang ang niluto ng kasama ko pero may bumubulong sa aking isipan na baka tadtarin niya ako ng biro kung malalaman niyang hindi pa rin ako nagluluto.

"Ate, welcome to 221B," wika ko rito noong sa wakas ay nakatungtong na rin kami sa tapat ng pinto ng tinitirhan ko. "I haven’t had a chance to clean yet, as I was busy with various tasks yesterday, so it’s still a bit messy inside."

"Ang astig nga, e," sambit nito na nagbigay ng isang matamis na pagngiting matagal ko nang hindi nasisilayan dahil sa hindi na kami masyadong nagkakausap. "Parang address ni–"

"Sherlock Holmes!" pareho naming bulalas.

"Oo nga po, ano?!" bulalas ng hindi ko makapaniwalang sarili.

Nang dahil sa mas namayani ang pagkakaba ko sa bagong mundo ay hindi ko na namalayan ang mga magagandang bagay sa paligid.

"Tama ka riyan," sagot sa akin ni Ate. Pareho kaming mahilig magbasa ng mga aklat at pareho ring mahilig manood ng iba't ibang anime. Hindi ko na sana mapapansin ang sinabi niyang iyon kung hindi niya pinaalala sa akin.

When I opened the door, I was greeted by a scene of my flatmate eating in the kitchen. Even though our eyes met, she continued eating without a pause.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap."

"Ikaw ang bigla na lang nawala," sagot nito. Matapos ang isang subo ay inilapag niya ang hawak-hawak na kutsara at kinuha ang basong mayroong malamig na tubig.

Habang abala siya ay alam kong maaari ko nang patunayan kay Ate na kakaiba ang kasama ko. Baka sa ganoon ay maawa siya sa akin at patuluyin ako sa tinutuluyan niya – mas maganda na iyon dahil tatlo na kaming maghahati-hati sa bayarin.

"Ate, tingnan niyo po ang sinasabi ko sa iyo," pabulong kong wika kay Ate bago pa man siya makapasok sa apartment at makita ni Raine.

She simply pushed the door open as if she didn’t care and then calmly faced my flatmate. "Hi, Raine. Kumusta na?"

Inilapag ni Raine ang hawak-hawak na baso at nagsimula muling sumubo. Nabaling na ang kaniyang mga titig sa kinakain. "Hello po," mahinang sagot lamang niya.

"Nakilala mo na pala ang kapatid ko. Makulit ba?" tanong pa ni Ate.

"Ayos lang naman po siya," sagot ni Raine.

Pupunta na sana siya sa parisukat naming sofa upang umupo nang isang notipikasyon ang pumukaw sa aming atensiyon. Pagtingin ni Ate sa kaniyang selpon ay ang pangalang Brittany ang nagpakila.

Answer. "Hello, Brit."

"Hi, besh. Nandito na ako sa labas," sagot ng tao sa selpon niya. "Pwede ba akong magpatulong?"

"O sige. Pupunta na ako," wika naman ni Ate sabay patay sa tawag. "Raine, ikaw na ang bahala sa kapatid ko, a. Dahil mahilig iyang gumamit ng selpon buong araw at saka umupo lang sa tabi, mas magandang isama mo siya sa labas minsan para naman pareho kayong maarawan. At saka, yung manok na binili ko, nasaan na?"

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon