19. What It Leads To

86 30 55
                                    

"That's right. Worried about being discovered, living in fear. It's a painful thing."

- Ai Haibara

-----

Chapter 19:
What It Leads To

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Aliza's coming here at six, great!" sarkastiko kong wika pagbukas ko ng pintuan ng apartment namin. Itinapon ko ang bag kong maraming laman sa mahabang sofa at saka hinayaang masandal ang aking likuran sa paborito kong pwesto sa sala.

"Mabilis lang naman kayo rito. Bakit ka kinakabahan diyan?" tanong ng kasamahan kong naupo rin sa pwesto niya na nakaharap sa akin.

࿐ ࿔*:・゚

"Mag-usap tayo mamaya," sambit ni Raine kay Ali noong nasa cafeteria pa kami kanina.

"Tamang-tama! Kailangan ko ng makakausap," wika naman nito. "Saan ba tayo pwedeng magkita-kita na tayo-tayo lang?"

"Sa apartment?" suhestiyon ko.

"Sige!" agad namang sagot ni Ali. "Sa apartment niyo, alas-sais ng hapon."

"Alam mo, kung gusto niyong magkaroon ng pribadong oras na tanging kayo lang, magandang pagkakataon na mamaya," dagdag pa ni Raine habang binubuksan ang kinuhang notebook sa bag nito.

"Ayan ka na naman," wika ko. "Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ba nahahalata, Zane? May gusto si Aliza sa iyo." Mabilis na tumibok ang aking puso kasabay ng mabilis na pagkurap ng aking mga mata. "At siyempre, may gusto ka rin sa kaniya, hindi ba?"

"Anong pinagsasasabi mo riyan? Huwag kang magpapakasigurado!" pagdiin ko.

"Namula ka bigla," sagot niya na napatingin sa akin nang saglit bago pa man bumalik ulit sa kung anong binabasa. "Yesterday, you kept glancing at her. She, on the other hand, kept avoiding your gaze."

"O, tapos? Of course, I was looking at her — I have eyes. Apparently, my dear Ms. Lorraine, eyes are meant for seeing things," protesta ko pa.

"Kung may gusto ang lalaki sa babae, tinitingnan niya ang mga mata nito. Kung may gusto naman ang babae sa lalaki, iiwasan naman niya ang mga titig na iyon," dagdag pa niya. "Don't worry either; according to a study I read, if you fancy someone, there's an 80% chance that person fancies you too. Do you want me to go on?"

Halos mamula na ang aking mga pisngi nang dahil sa mga pinagsasasabi niya. Bukod doon ay hindi mapakali ang aking isipan. Inaamin kong tama siya pero hindi ko alam kung paano niya iyon nasasabi sa akin.

"Ngayon pa lang, pansin ko na ang kaba sa iyong mga mata — mabilis na pagkurap. Sinabayan pa iyon ng madalas mong paghawak sa iyong mukha," pagpapatuloy ni Raine. Doon ko lang napansin na ginawa ko nga ang mga bagay na iyon nang hindi ko namamalayan.

"Sige na—tumigil ka na nga. Baka may makarinig pa sa iyo riyan!" sita ko kasabay ng pagtulak ko sa aking sarili upang tumayo.

"Zane, don't worry. Mamaya, dalhin mo siya sa inalok sa atin ni Manong doon sa restaurant noong Sabado," suhestiyon niya. "Wala namang masyadong taong darating kaya pwede kayong tumambay roon habang nagpapakasaya ang ibang bisita."

Naalala kong sinabi nga iyon ng lalaking iyon sa restawran. Inimbita nga talaga niya kami at nakakahiya naman kung hindi ako pupunta.

"Tamang-tama, alas-sais din iyon magsisimula," dagdag pa niya. "Tinapon naman kasi ni Tita iyong niluto niyang cake na pinalagay ko sa refrigerator noong Sabado, e."

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon