𓇢𓆸Zane
Pag-uwi ko sa apartment ay ramdam ko ang kaba sa aking mga nangangatog na kamay at paa. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang nangyari matapos ang pangyayaring iyon.
Hindi ako makapaniwalang isang mamamatay-tao pala ang nakita ko kani-kanina lang. Muntik pa nitong mabiktima ang bago kong kasama.
Nang dahil sa hindi magawang makaidlip ng aking katawan ay hinayaan ko na lang ang sariling lumabas at pumunta sa may balkonahe upang magpahangin.
Wala nang tao sa labas ng kuwarto ko, kaya baka natutulog na si Raine. Buti pa siya at nakaidlip na, samantalang ako, hindi magawa dahil sa ginawa ko kanina.
Kinuha ko ang aking selpon at saka na nga naisipang hanapin muli ang pangalan niya sa internet.
Hindi nga nagtagal ay nahanap ko na rin sa wakas ang ilan sa mga kasagutan ko.
Dali-dali akong bumalik sa aking silid at saka kinuha ang laptop mula sa bag. Binuksan ko ang aking website, at doon ko nakita ang kaniyang sarili ring blogging spot.
To learn more about her, I immediately followed her.
Upang malibang ang sarili, hinayaan kong muling buksan ang isa pang account ko na hindi naka-follow sa kanya. Kailangan kong masulat ang mga bagay-bagay bago ito mawala na naman sa magulong isipan ko.
After several days of silence on my website, I finally mustered the courage to write again.
And then I typed:
I looked her up on the internet and realized I'd seen her before. Her website, revealed in a tagged post, disclosed something as well.
My mind was mindstruck. How did she deduce things I couldn't? Is she a real-life Sherlock Holmes or something?
Why would she confront someone who might be a villain searching for Aunt Clara? Why is she so attached that she would risk her life to save her?
Perhaps because something truly significant is happening!
It's not my first time encountering such things. When we lived in the city, I often witnessed cruelties before returning to the province. After Mum died, I fell into depression and even did terrible things to others with the gang I was part of.
The good thing is, we returned to the province, and I never heard from the gang again. We were still poor, but life there was better than in the city.
Now that I am in Manila, I will set things right. Especially now that I have finally found her.
Lorraine Adriella de Verra, daughter of the late Detective Chief William Lawrence de Verra, the man who helped my family when we truly needed it.
I will use the skills I learned to become a better person. I will save L.A.V.
Just after I posted that blog, I got a notification from one of the people I follow: Raine.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya. Alam kong kagaya ko ay natakot din siya. Hindi ko man mabasa ay kita ko naman iyon sa kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...