· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINEHappy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday, Lorry.
Sa loob ng common room ay umalingawngaw ang boses ng mga pagkanta ng mga kasamahan ko sa silid na iyon. Kitang-kita ko ang mga tuwa sa mukha nila - para bang nasisiyahan para sa akin.
I sank into the chair offered by a few of them, my gaze fixed on the mocha cake, possibly made by Mrs. Nuñez. My emotions went blank as I struggled to understand why.
Kuya George lit the candles shaped as the numbers one and eight, standing side by side.
Kung ganoon pala ay labingwalong taon na ako. Opisyal na anim na taon na simula noong...
𓇢𓆸𓇢𓆸
Natagpuan kong muli ang aking sarili sa loob ng kuwartong iyon subalit wala na ang mga tao. Alam kong nakapasok na naman ako sa aking memory palace."Happy birthday, sweetheart." Mula sa dilim ay lumabas si Mom na nakangiting umupo sa harapan ko.
"Mom."
"Malaki na ang anak namin!" bulalas naman ni Dad na sumulpot mula sa aking likuran.
"Dad."
"Hindi kami puwedeng magtagal ngayon, a. Ayaw naman naming nakatulala ka lang habang nagsasaya ang mga tao para sa iyo," wika ni Mom.
"Oops! Huwag kang iiyak!" wika ni Dad na itinuro ang mga mata ko. Noon ko lamang namalayang may namumuo na namang mga luha sa aking mga mata.
Agad ko itong pinunasan subalit kapalit naman noon ay ang pagbalik ko sa reyalidad.
𓇢𓆸𓇢𓆸"Make a wish, anak," ani Mrs. Nuñez.
Wish? Ang tanging hiling ko lang ay ang mabigyan na rin sa wakas ng hustisya ang pagkawala ng mga magulang namin. Ngayong araw ay naganap na iyon.
Ano pa ba ang mahihiling ko?
After a few moments of silence, I blew the flames off the two blue candles.
Nagpalakpakan ang lahat at sa paligid naman ay binati pa ako ng mga asul at rosas na lobong nakaayos sa mga dingding.
"Ngayon ay pasok na tayo sa shop. May ibinigay sa atin ang Ate Elizabeth mo kanina," yaya ni Mrs. Nuñez. Kinuha niya ang cake at saka kami lumipat sa kasunod na silid gamit ang pintuan sa loob ng common room.
Doon naman ay nagningning ang iba't ibang putahe - macaroni salad, spaghetti, fried chicken,carbonara, at marami pang iba.
Nagpatugtog ng masayang tugtugin si Mrs. Nuñez. Kasama na rin niya sa wakas ang mga nagbakasyon noong tauhan niya sa shop niya.
Masaya ang lahat na kumakain. Hindi ko na pinansin kung sino ang mga dumalo subalit alam kong marami sila.
࿐ ࿔*:・゚
Before the day was over, I finished my meal early. I bid farewell to Mrs. Nuñez and left them to continue eating the food there.
Umakyat ako sa apartment at saka inayos ang aking sarili. Alas kuwatro na at ayoko namang magabihan sa daan.
Pagbukas ko ng pinto palabas ay hinarang ako ng kasamahan kong may dala-dala pang pinggan na may kaunting piraso ng cake.
"Saan ka na naman pupunta?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...