5. Death Note

208 49 94
                                    

"Life is hard but how can you live can make it harder."

- SimplyZephy

----------

Chapter 5:
Death Note

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Nasaan na yung kasama mo? Sasama ba siya o hindi?" Narinig kong wika ng lalaking kasama namin sa kotse.

Pulis? Ano bang sinasabi niyang pulis? Ano ito, isang crime scene? Imposible!

"Mr. Nuñez!" tawag sa akin ni Raine. Paglipat ng atensiyon ko sa kinaroroonan ng kaniyang boses ay nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan na nakatingin sa akin at kalmado ang ekspresyon sa mukha.

"Ah! May tanong lang ako." Dali-dali akong naglakad papunta sa kaniya subalit noong ako'y nakahabol ay diretso lang siya sa pag-akyat sa hagdanan. "Nasaan ba talaga tayo?"

Hindi siya sumagot o humarap man lang sa akin hanggang sa nakarating na nga kami sa ikalawang palapag. Naroon na at naghihintay ang kasamahan namin kasama ang bagong lalaki. Kapwa na sila nakasuot ng kulay puting damit na iyon.

"Suotin niyo ito," paalala ng nakasimangot na lalaki.

Kinuha ito ni Raine at saka agad na ipinatong sa kaniyang kasuotan. Napagtanto kong ibang klase pala ang pinagkakaabalahan nitong nanunuluyan kay Tita.

Kung mayroon man siyang ilegal na ginagawa ay handa akong

Bigla ko na lamang naalala na 20 porsyento na lamang pala ang aking selpon. Kung gagamitin ko ito ay dapat masakto ko ang oras hanggang sa masabi ko ang lahat sa chat o kahit sa record lang.

Inabutan din ako ni Raine ng isa pang para naman sa akin. "Suotin mo iyan kung ayaw mong mapagbintangan," wika nito na binigyan ako ng isang ngiti na agad namang binawi kasabay ng pagbalik ng atensiyon niya sa pagsuot ng gloves at foot sacks.

"Isa at kalahating minuto lang, maliwanag?" paalala ng lalaking nagbabantay.

"Pababa nang pababa ang oras, ah," pabulong na wika ni Raine sa sarili.

Hindi pa rin kumakalma ang sarili ko habang nagbabago ng kasuotan hanggang sa binuksan na rin ng lalaking nauna sa amin kanina ang pintuan sa may kanang bahagi ng pasilyo.

Doon ay bumulantang sa akin ang isang babaeng nakaupo sa sofa at saka walang malay. "Isa at kalahating minuto!" paalalang muli ng lalaki na nagpaiwan lamang sa labas kasama ng iba pang nasa pasilyo.

Pumasok na si George sa loob kasama si Raine at sumunod na lamang ako sa kanila.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang baril na hawak-hawak nito. Sa ulo naman nito ay makikita ang isang kulay pulang bagay.

"Ano ito?" Bigla ko na lamang bulalas.

"Raine, hindi ba alam ng kasama mo?" tanong ni George.

"Akala ko ba ay alam mo na. Hindi mo ba nakita noong hinanap mo ako sa social media?" tanong naman ni Raine pagkatapos ng isang buntong hininga.

"Akala ko kung hindi iyon totoo," sagot ko na lamang na nagbalik na naman ang mabilis na pagpintig ng puso. Doon ko lamang napagtanto na si George ang batang pulis na nasa litratong iyon.

"Sige, kumalma ka lang. Kung gusto mo pwede kang lumabas na lamang muna at doon maghintay sa kotse," wika ni George sa kaniyang kalmadong boses.

"Hindi naman kayo masasamang tao, hindi ba?" I knew it was a daft question to ask, but I couldn’t help myself. Kaya naman pala ang bigat ng pakiramdam ko noong una ko siyang nakita.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon