33. Chasing Heartbeats

70 18 32
                                    

"We do not chase cases. Cases chase us wherever we go."

- Jamie Santiago

-----

Chapter 33:
Chasing Heartbeats

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

How could the killer be like this? How long has he or she known me? Is he or she responsible for that accident?

"Raine, ewan ko ba kung bakit pero gusto kang kausapin ni Ma'am Cassandra." Sa aking harapan ay dumating si Detective Cruz, ang pulis na ayaw na ayaw na nangingialam ako sa mga bagay-bagay. Unlike Detective Ferrer, she's more strict when it comes to crime scenes and work.

Mula sa waiting area ay tumayo ako mula sa gitna nina Kuya Ron at ang nakatayo sa may gilid na si Zane. Sumabay sa akin si Detective Cruz at saka niya ako sinamahan papunta sa isang maliit na silid.

In front of me lay Ma’am Cassandra, her breathing assisted by an oxygen device connected through a nasal cannula.

A woman likely in her fifties, she appeared older than her missing sister, as suggested by a photograph I had seen in the living room.

May kakaibang amoy kanina sa kaniya na wala sa bahay na iyon — amoy ng bulaklak na jasmine na sa pagkakaalam ko ay madalas makita sa mga taniman sa siyudad o kaya malapit sa mga parke.

Sa kaniyang suot naman na sapatos kanina ay may mga alikabok na maaaring asphalt. Hindi iyon kagaya ng mga purong alikabok sa maliit nilang barangay.

Taga-lungsod siya.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong nito sa akin na halatang hinahantay ang pagdating ko.

"Lorraine po," sagot ko. Huminto na sana ako matapos makalampas sa pintuan nang naramdaman ko ang paghawak sa aking likuran.

Paglingon ko sa aking kanan ay si Detective Cruz nga iyon na ginamit rin ang kaniyang mga mata upang ipahiwatig na lapitan ko ang babae.

"Narinig ko ang boses kanina sa selpon mo. Kilala mo ba ang lalaking iyon?" tanong niya. Base sa mga datos na nakalagay sa patient's monitor niya ay pansin ko ang bahagyang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.

"Bakit po?" Hinanap ko sana si Detective Cruz upang magbigay ng kaniyang opinyon sa pangyayari subalit paglingon ko ay wala na ito sa silid.

"Para kasing..." wika nito.

"Kumalma lang po kayo," paalala kong kita pa rin ang patuloy na pagbilis ng pagtibok ng kaniyang pulso.

"Yung boses na iyon..."

Para bang tumayo ang mga balahibo sa aking kamay sa aking narinig. Kung ano man ang gusto niyang sabihin ay maaaring isa pa sa mga nagbibigay sa kaniya ng labis na pag-aalala.

"Nurse!" Kahit na nahihiya man ay tinawag ko na lang ang tulong. Hindi ko naman gustong atakihin siya sa puso nang dahil sa kung anong gusto niyang sabihin sa akin.

"Lorraine, i–"

Agad na rumisponde ang dalawang nurse na agad itong inasikaso. "Ma'am, huminga po kayo ng malalim. Kailangan po naming siguraduhin na kalmado kayo," mahinahong ani ng isang nurse.

"Uh, Miss, kailangan niyo po munang lumabas. Kailangan niya po munang kumalma," wika naman ng isa pa na napaharap sa akin.

"Anak ko ang nasa landline na iyon!" sigaw nito bago pa man ako makahakbang palayo sa kaniya.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon