38. The Dawn Comes

67 17 6
                                    

"Smile and laughter are always good, but never forget your poker face."

- Kaito Kid

-----

Chapter 38:
The Dawn Comes

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

"Sa wakas," wika ni Zane kasabay ng pag-unat niya ng kaniyang mga kamay sa itaas habang nasa kotse muli ni Kuya Ron. "Makakatulog na rin nang mahimbing mamaya!"

Nanahimik na lamang kami ni Kuya Ron habang tinitingnan ko ang sasakyan ng pulis na nasa unahan namin. Sa bawat pagpalit ng mga ilaw nito ay hindi ko mapigilang maalala ang kaganapang iyon muli.

"Akalain niyo yun, kalahating araw tayong pagbalik-balik!" dagdag pa niya. "Nakailang gastos ako ngayon!"

Gusto ko sanang patahimikin siya upang manatili ang katahimikan subalit naiintindihan ko namang nasiyahan siya nang dahil sa nakamit namin.

"Around seven hours, to be precise," sambit ko na lamang.

"Darn! Nauuhaw at gutom na gutom na ako!" wika pa nito. "Anong oras na ba, Raine?"

Hindi ko pa rin gustong sumagot subalit sa bawat pagsasalita niya ay mas dumadagdag lang ang inis na hindi ko dapat nararamdaman sa mga pagkakataong iyon.

"Raine?" tanong pa nito.

Sasagot na sana ako nang matigil nang dahil sa pagbukas ng kaniyang selpon. "Alas siete na," aniya. "Pwede nang magbasa sa wakas!"

Patuloy niyang pinapindot ang mga daliri sa kaniyang selpon na para bang nagbigay muli sa kaniya ng kasiyahan matapos ang lahat.

Mabuti pa siya. Mabuti pa siya at madali lang niyang kalimutan ang mga bagay-bagay kahit na gaano kahirap.

.

Makalipas ang ilang segundo ay nakarating na rin kami sa wakas sa presinto matapos ang ilang balik doon.

Nauna na ang mga pulis sa loob kasama na sina Kuya Ron at ang dalawang detective inspector.

Sa coat ni Detective Cruz ay ramdam ko ang isang mabigat na bagay sa kaliwang parte. Pagtingin ko sa loob ay binulaga ako ng isang posas na nakalagay pala roon.

"Nakakagigil ka talaga, Xi Jin! Huwag ka na ngang mang-agaw diyan!" ang biglang sigaw ng kasama kong naiwan sa sasakyan.

Nalipat ang titig niya sa akin nang mapansing narinig ko ang kaniyang sinabi. "Sorry," wika niya.

Binigyan ko na lang siya ng pilit na pagngiti at saka nalipat ang mga mata sa paparating na tao mula sa pasukan.

"Normally, I wouldn't want you meddling in any cases, but now, I'll allow you to listen in on the interrogation," wika ni Detective Cruz.

Aakyat na sana ako sa hagdan papasok nang mapansin kong hindi pa siya umaalis.

"Kasama po si Nuñez?" tanong ng napahinto kong sarili.

Tumango siya at saka nabaling ang atensiyon sa kasamahan kong nakatutok pa rin sa selpon. "Ehem!"

Doon lamang siya natigil sa ginagawa at madaling inilagay sa bulsa ang dala-dalang selpon.

"Po?" tanong niya.

"Sumama ka sa loob," sagot ni Detective Cruz.

"A-Ako po? Bakit?" Sa kaniyang mga mata ay pansin ko ang kaguluhan sa kaniyang isip.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon