41. Going Home

53 17 6
                                        

"I am one of those who never knows the direction of my journey until I have almost arrived."

‒ Anna Louise Strong

-----

Chapter 41:
Going Home

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Maya-maya po, darating na ang mga pulis para imbestigahan ka kaya naman kinuha mo na ang tasang ginamit mo na hindi mo nakuha dahil natakot kang makita ka rito ng kapatid mo sa bahay niya," ani pa ng kasama ko. "Kahit na hugasan mo pa po iyan at itapon ay may matitira pa rin diyan, dagdagan pa po ng DNA ng magiging bayaw mo."

"Does that mean that he doesn't like John for her sister?" pabulong na tanong ko.

"Younger sister," sagot nito.

"Hindi ko naman sinasadya ang nangyari," sagot nito.

"Nilason niyo po siya pero hindi sinasadya?" tanong ko.

"Oo, nilagyan ko ng lason ang inumin niya pero matapos niyang sabihin sa akin ang tungkol sa USB ay hindi ko na iyon itinuloy," sagot nito. "Pero aksidente niya pala iyong nainom noong nagmadali na ako dahil parating na ang kapatid ko."

"Bakit hindi niyo pa po tinapon man lang?" tanong ko pa.

"Nataranta na nga ako!" pasigaw nitong sagot.

"Sinabi niya po ba sa iyo ang tungkol sa bagay na iyon? Bakit hindi niyo siya sinundan?" wika ni Raine.

"Sinabihan niya akong ayaw niya na raw iyon makita. Bahala na raw ako kung ano ang gagawin ko roon dahil milyon daw ang halaga ng bagay na iyon–"

"Pero alam niyo po ba kung ano ang mga nasa loob ng bagay na iyon? Nasaan na po?" agad na pagputol ni Raine.

"Bakit ko naman sasabihin sa inyo? Marami na kayong nalalaman," sagot nito.

"Maaari ka pong kasuhan ng Attempted Murder kahit na sabihin mo pang aksidente mo pong nalason ang magiging bayaw mo," babala rito ni Raine. "Pero sabagay, may karapatan ka nga pong manahimik."

Nakatutok pa rin sa lalaking iginapos namin ang baril nang nahagip ng aking mata ang pagtayo ni Raine. Tumalikod ito at saka naglakad palayo kasabay ng pagsuot niya ng kaniyang guwantes.

"Bakit nga ba galit ka po sa kaniya? Dahil ba sa nangyari sa kanila o dahil po ba hindi nabuhay ang anak nila ng kapatid mo at sinisisi mo iyon sa kaniya?" tanong niya na binuksan ang isa pang silid sa katabi ng kusina.

Namatay? Wala nga ba talaga ang sinasabing anak nila?

"Hindi niyo naiintindihan!" wika pa ng lalaki.

"Akin na po ang USB. Hindi po sa inyo iyan," ani Raine na naglakad pabalik sa harapan ng lalaki. Hinawakan niya ang nakataling braso nito at saka hinayaan itong makawala mula sa itinaling kulay asul na lace.

"Raine, bakit mo naman–" Napaatras siya nang bahagya subalit nanatili ako sa aking puwesto na nakahawak pa rin sa dart gun.

"Ang USB lang po ang kailangan ko, sir," dagdag pa ni Raine. "O kung gusto mo po ay padaragdagan ko ang kaso niyo dahil sa pagnanakaw niyo. Plus, baka mabawasan ka rin po ng puntos sa langit."

Ang mga huling salitang iyon ang kumiliti sa akin. Kahit na napatawa ay pinigilan ko na lamang iyon upang hindi mapasama ang sitwasyon.

"Bakit ko ito ibibigay sa inyo at paano ka nakakasiguradong hindi ko kayo patatahimikin?" Agad nitong itinayo ang sarili at saka kumaripas ng takbo papunta sa amin.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon