𓆩ꨄ︎𓆪12. Rush Hour

114 37 65
                                    

"The strong one doesn't win. The one that wins is strong."

-Shinichi Kudo

-----

Chapter 12:
Rush Hour

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Snacks para sa recess," sambit ko sa aking sarili habang nakatitig sa listahan. "Ano pa ba?"

"How about notebooks? Papers? Wala tayo sa supermarket kaya mamaya mo na yan isipin." Sa aking harapan ay sumulpot ang kasama kong may dala-dalang mangilan-ngilang notebook. Lumapit siya sa akin at saka inilagay sa dala-dala kong basket ang mga ito.

"Ah! Nag-iisip lang ako ng bibilhin PAGKATAPOS natin dito," palusot ko na lamang.

Masakit ang aking ulo at para bang medyo umiikot ang mundong ginagalawan ko. Bukod doon ay para bang madalas lumipad ang aking isip.

"Tara na. Magluluto pa tayo mamaya ng makakain," wika niya.

"Pero paano ang sa akin?"

"Kanina ka pa nakatayo riyan pero hindi ka pa nakakakuha?" Humarap siya sa akin at saka ko nakitang nakataas ang kaniyang kilay. "Snacks ba ang naiisip mo o dahil lang ba sa hindi ka naka-"

"Got them!" I immediately interrupted as I took some random notebooks from the shelves. "Bayaran na natin para makauwi na tayo. Saan ba ang counter?"

"That would be this way." Nagsimula muli siyang maglakad palayo at doon na nga kami nakarating sa lugar kung saan ito babayaran.

"Ito," wika ni Raine habang inaabot sa akin ang kaniyang isang daang piso. "Isabay mo na ang bayad ng sa akin."

Kahit na ako na nga ang may dala-dala ng basket na pinaglagyan ng pinagsamang gamit na bibilhin namin ay kinuha ko na lang ang pera niya. "Mamaya na lang kita babayaran."

Pagkabalik niya sa bulsa ng kaniyang pitaka ay tumayo lamang siya sa harapan ko hanggang sa kami na nga ang nasa harapan ng counter. Pagkatapos maibigay ng bayad ay ako na lang ang nagbuhat para naman hindi sa kaniya nakakahiya.

"Nasaan na ang number natin?" Handa na sana akong umuwi nang bigla na lamang siyang huminto sa harapan ko bago pa man ako makalayo mula sa counter.

"Number?"

"Baggage claim ticket? No. 5?" sagot niya sa akin.

"Ah! Oo nga pala!" Sa aking bulsa ay hinanap ko kung saan ko ito nilagay kanina. Kahit na nahihirapan ay tiningnan niya lang ako.

"Nawawala ano?"

Tanging ang pitaka ko lang ang naroon sa bulsa ko. Paglipat ko sa isa pa ay wala itong laman. "Pahawak nga." Ibinigay ko muna sa kaniya ang pinamili namin at doon lang nga siya tumulong sa wakas.

"Nawawala?" pag-ulit nito.

Binuksan ko ang aking pitaka subalit wala ito. Sa muli ay naramdaman kong muli ang pangamba sa aking dibdib – hindi man kasing-tindi ng kagabi subalit nagdulot pa rin ng malakas na pagtibok ng aking puso.

"Nandiyan ba sa iyo?" tanong ko, nagbabakasakaling naroon nga sa kaniya.

"Pahawak." Sa muli ay nabalik ulit sa akin ang aming mabigat na pinamili. Tiningnan niya ang dalawang bulsa sa kaniyang kulay mint green na trousers. "Wala rin sa akin."

Mas bumilis pa ang pagtibok ng aking puso, hindi na alam kung ano ang susunod na gagawin.

Naglakad pabalik si Raine sa pinanggalingan namin at sumunod din naman ako. "Doon ka sa kanan, dito naman ako sa kabila."

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon