42. Beep

64 16 6
                                    

"It's like an automated vending machine for canned juice. You'll get what you want so long as you have the money, but... You get nothing in return without it. You can't buy your way into the hearts of others."

- Ai Haibara

-----

Chapter 42:
Beep

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Bigla na lamang umalis si Raine nang hindi man lamang nagpapaalam kung saan pupunta. Habang nilalagyan ng bagong gamot na pampataas ng dugo si Mrs. Hernandez ay nakita ko na lamang itong naglakad sa pasilyo na nakatingin sa kaniyang selpon.

"Raine–" Susundan ko na sana ito nang hinarang ako ng nars kanina na nagbantay rito.

"Kaano-ano ka ng pasiyente?" tanong nito. "Kagabi pa kasi namin tinatawagan ang mga binigay ng mga pulis na kaanak niya pero ang iba ay hindi sumasagot. Ang iba naman ay nasa ibang bansa. Ang asawa naman niya, paralisado, pero darating na maya-maya."

"Hindi ko po siya kaano-ano, e," sagot ko na lamang.

Nalipat ang mga mata ko sa paparating na isang lalaking nakasakay sa wheel chair at saka nakasuot ng face mask. Ang tumutulak sa kaniya ay ang pabalik nang si Raine at nasa unahan naman si Detective Cruz.

"Narito na po ata ang hinahantay ninyo," ani ko.

"Dalawang bantay lang ang puwede rito e. Pero kung sabagay naman ay visiting hours pa," wika ng nars at saka na nalipat ang atensiyon sa mga kararating pa lamang.

"Kami na lang ang magpapaiwan ni Mr. Hernandez mamaya," sabi ni Detective Cruz.

Medyo malaki-laki ang puwesto para kay Mrs. Hernandez. Maayos naman ang agwat sa pagitan niya at ng tatlo pang nasa silid.

Muli na namang naunang lumabas si Raine na agad ko na ngang sinundan. "Anong problema? Saan ka pupunta? Bakit pabalik-balik ka lang diyan?" tanong ko habang dahan-dahan kaming naglakad sa pasilyo.

Hindi siya umimik at saka nanatili lamang sa pagpindot ng kaniyang selpon.

"Uuwi na ba tayo? Clearly, you are the one who caught Mrs. Cassandra's comfort and not Detective Cruz," dagdag ko pa.

"Nandoon naman sila, Zane," sagot niya.

"Visiting hours pa naman kaya ayos lang na nandoon ka muna para samahan sila," pagpapaliwanag ko na siya namang ikinahinto ng paglalakad niya. Pinatay niya ang kaniyang selpon at saka ibinalik ito sa bulsa.

"Zane, hindi na siya tatagal," ang bigla niyang sambit. Sa muli ay naramdaman ko ang kakaibang lamig na bumalot sa aking buong katawan.

"Tumigil ka nga! Nakita mo naman kaninang masigla si Mrs. Hernandez, hindi ba?" tanong ko na lamang.

"Nakita mo naman na naabutan siya ng umaga sa ospital. Muntik na siyang atakihin sa puso kahapon, Zane, at ngayon ay nagbabadya na naman ito," sagot niya. "Kaya huwag na huwag mong ipapaalam muna sa kaniya hanggang hindi pa gumagaling ang nangyari sa anak niya!"

"Hindi ko sasabihin pero paano si Detective Cruz?"

Napabuntong-hininga na lamang siya at saka nagsimula muling maglakad pabalik. "Talaga naman–"

Pagdating namin doon ay napahinto muli kami nang dahil sa binati kami ng mara-raming nars na nasa loob na ng silid. Naroon malapit sa labasan si Detective Cruz na kasa-kasama pa rin ang asawa ni Mrs. Hernandez.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon