"Humans are suspicious and jealous creatures. When they see something perfect, they wanna find a flaw."
-Heiji Hattori
-----
Chapter 14:
The Apartment Next Door· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANEIbabalik ko na sana sa loob ng freezer ang akala kong masarap na ice cream nang muli na namang magsalita ang kasamahan ko. "Ayaw mo ba?"
Napaisip ako bigla. Kung hindi ako makaidlip ay sakto lang ang pampatulog sa pagkain na iyon.
Kung ako lang mag-isa at kung despirado akong makatulog ay baka nakain ko na iyon. Ang kaso nga lang ay mayroon akong kasamang babae sa kuwarto kaya delikado.
"Bilisan mo na kasi may pupuntahan tayo mamaya," wika pa nito.
"Ano? Kailangan kong matulog," sambit ko sa aking sarili.
"May sinasabi ka?" tanong naman nito. Namula ang aking pisngi nang pumasok sa aking isipan na baka narinig niya ang sinabi kong iyon. Napatingin ako sa kung ano ang ginagawa niya.
Naroon siya sa may sala at para bang may hinahanap na kung ano roon. Mahina lamang ang pagkakasabi ko kaya maaaring hindi niya naman narinig.
Teka, nakasuot na siya ng pajama? Matutulog ba siya?
"Uy! Ang ref, nakabukas!" Muli akong nabalik sa reyalidad nang makita kong muli ang titig niya na nakaharap sa akin.
"Ah, s**t!" Agad kong isinirado ang refrigerator at saka napabuntong-hininga na lamang.
"Gusto mo bang lumipat na lang ng apartment?" tanong niya na nagpatigil sa aking pagkahiya.
"Bakit, hindi mo ba gustong may kasamang lalaki rito? Sabi mo naman ayos lang, hindi ba?" wika ko na lamang.
"Oo, ayos lang pero sa iyo, ayos lang ba?" dagdag pa niya.
Uupo na sana ako sa upuan sa aking harapan nang malapag sa aking kamay ang aking titig. Kaya naman pala nakararamdam pa ako ng lamig ay dahil hawak-hawak ko pa ang adobo niya. Pagkakita ay nilagay ko na ito sa lamesa at saka na ako umupo.
"Ayos lang naman kaso hindi ba't delikado ito? Hindi ba ilegal ito sa ibang bansa?" tanong ko naman.
"I can always lock my bedroom door, and I know how to defend myself," kalmado niyang sagot sabay kuha ng isang nakalukot na papel sa lapag. "Alam kong mapagkakatiwalaan ka dahil babae ang kapatid mo."
"Sige, bahala ka. Basta huwag na huwag tayong maglalasing sa loob ng apartment," wika ko.
"Hindi naman ako umiinom kaya ayos lang," sagot niya.
"Mabuti naman," sambit ko nang maakit ulit ang tingin ko ng adobong nagsisimula nang matunaw ang mga yelo sa gilid ng lagayan. "Sigurado ka bang ito ang pagkain natin maya-maya? Wala naman itong pampatulog, hindi ba? And for heaven's sake, all I can hear inside my head is adobo!"
"Wala nga," she sighed. "Ang mahal ng manok, sasayangin ko lang? At saka kahit na alam kong gusto mong matulog dahil sa hindi ka nakaidlip man lang kagabi, hindi ko iyan lalagyan ng kung anong kemikal dahil... hello... bakit ko naman sasayangin ang pera ko para sa walang kuwentang bagay?"
Para bang napahintong bigla ang pagtibok ng puso ko sa aking narinig. Walang kuwenta? Wala ba akong kuwenta para sa kaniya?
"Bakit naman ganiyan ang ekspresyon mo?" agad niyang tanong. "Mahal kasi ang mga kemikal ko kaya hindi ko ginagamit kapag walang kinalaman sa isang kaso."
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Misterio / SuspensoLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...