"You're the good in me even if I'm bad but still you're the man I never had"
- Marion Valdez, Detective Files
-----
Chapter 23:
She· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANEMy eyes widened at what she said. So, she scared me with her own sister?
"Another promotion, I presume," wika rito ni Raine na para bang wala siyang interes sa kausap.
"Oo, pero hindi lang dito," sagot naman ng kasama nito.
"Magkapatid kayo? Kapatid mo siya, Raine?!"
"Sa kasamaang palad, oo," sagot ni Raine.
"Akala ko isa siyang–"
"Isang ano?" tanong pa niya.
"Isang?" wika naman ng sinasabi niyang kapatid niyang nabaling ang tingin sa akin.
"Akala ko, gusto niya akong mag-spy sa mga kinikilos mo," sagot ko na pilit kinokontrol ang mga bagay sa isipan kong gustong lumabas. "Ang buong akala ko ay masama siyang tao!"
"She could be one if you'll think about her being one," sagot ni Raine.
"Ah! Isa palang kabadong tao ang napili mong kasama sa apartment mo. Kaya pala hindi ka kinakabahan sa kaniya," sambit ng tinawag nitong Elizabeth. Sa kaniyang kaliwang bahagi ay naroon ang itim na sasakyang nagpasakay sa akin pauwi. "Buti naman at wala kayong pasok bukas."
"Wala po?" tanong ko.
"Hantayin niyo na lang maya-maya ang memorandum. Mabuti pa ay sa loob na lang tayo mag-usap," dagdag pa niya.
Lumabas mula sa sasakyan ang lalaking humatid sa akin noon at saka binuksan ang pinto ng kotse para sa amin. Nauna si Elizabeth sa katabi ng drayber samantalang pinauna naman ako ni Raine sa may parteng likuran katabi niya.
As soon as Raine closed the door, I felt the car start moving slowly.
"Anyways, I'm not a criminal, Mr. Nuñez," pagpapatuloy ni Elizabeth. "Mataas ang posisyon ko sa gobyerno at hinding-hindi ako gagawa ng kung ano-anong bagay na walang silbi at makakasira sa reputasyon ko."
Sa kaniyang pagsasalita ay naalala ko na lamang si Raine. Magkapatid nga sila talaga.
"International agencies," wika naman ni Raine. "Marami pa iyang trabaho bukod sa pagiging kasapi ng NBI."
"Noong sinabi mong palagi kang nakatingin, totoo iyon?" tanong ko.
"Magkaroon ka ba naman ng kapatid na ganiyan? Well, you are the youngest child after all," wika nito na napatingin sa amin sa pamamagitan ng salamin ng kotse.
"Totoo rin ba iyong parang naiinis ka kay Raine dahil magkokolehiyo na siya, pero dahil sa pinaggagawa niya, baka masira ang mga pinaghirapan niya?" tanong ko pa.
"Oo naman! Ayokong masayang ang mga pinaghirapan namin nila Mom at Dad para lang masunod ang sinasabi sa kaniya ng utak niyang gawin," sagot ni Elizabeth.
"Ayan ka na naman." Narinig kong bulong ni Raine sa sarili habang nakatingin sa kapatid.
"Masanay ka na sa kaniya. Dala lang iyan ng nangyari noong nawala sina Mom at Dad," pag-uumpisa ni Elizabeth.
Para bang natunaw ang aking puso nang marinig ko ang mga bagay na iyon. Kaya naman pala ganoon kalamig ang puso ni Raine.
"Sorry," wika ko.
BINABASA MO ANG
Uncovered Cases
Mystery / ThrillerLanguage: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: THE GAME GOES ON Paano kung magising ka na lang bigla sa isang mundo na hindi mo pinangarap? Matapos ang trahedyang naganap, kinuha mula kay Lorraine ang lahat. Habang tinatahak ang bagong real...