37. I Hide, You Seek

69 16 8
                                    

"Our success would not see the light of day, but our failures will become widely known"

- Rena Muzinashi

-----

Chapter 37:
I Hide, You Seek

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
RAINE

This is the moment I have to face the harshness of reality. I may find other people as life passes by, but in the end, I am still alone — all by myself.

Sa oras na pumasok ako sa loob ay binati ako ng nakakasilaw na liwanag na galing sa mga bumbilyang nagpapailaw sa tanggapan ng boarding house na iyon.

"Kailangan ko pong umakyat. May kailangan po akong gawin." Kahit na ayaw makipag-usap sa iba ay hindi ko na ito pinansin pa.

"Boarder ka ba rito?" tanong ng lalaking nakabantay sa may counter at nakaupo lamang doon.

"Siyam!" wika ng lalaki sa aking selpon.

"Pulis kami, papasukin niyo siya." Agad namang pumasok si Detective Cruz at pinakita ang kaniyang badge.

Binigyan niya ako ng isang nanlilisik na tingin na para bang hindi niya ako pinagkakatiwalaan. "May warrant ba kayo? Anong nangyayari—"

Sa bawat segundong nasasayang ay mas bumababa pa ang kompiyansa ko sa aking sarili. Hindi ko na gusto pang makipaglaro sa taong iyon at ayoko nang may mawala pa nang dahil sa walang kuwentang bagay na ito!

"Walo!"

"Ito? Pulis ba ito?" tanong pa ng nakabantay.

"Sir, may mga nakasalalay po na mga buhay rito!" Sa aking harapan ay dumating si Zane at hinarap ang mga nanlilisik na mata ng lalaki. "Gusto niyo po bang makulong kapag may nangyaring masama ngayon?"

Sa unang pagkakataon ay nakita kong ipinakita niya sa akin ang personalidad nitong hindi ko pa nakikita noon.

Kinuha ng isa sa mga tauhan ni Detective Cruz ang susi na binigay na rin ng bantay sa wakas.

Sa mga oras na hindi ko mawari kung ano ang aking gagawin ay mayroon pa palang mga taong nariyan para tulungan at damayan ako.

"Raine, sige na!" utos ni Detective Cruz.

"Pito!"

Walang ano-ano ay umakyat ako sa hagdanan at hindi na pinansin ang iilang taong tumatambay sa mga tambayan kada-palapag.

May apat na silid na tinitirhan ng isa hanggang apat na boarders at kailangan ko silang makitang lahat.

"Sino yun?" narinig kong usapan nila.

"Ewan."

"Hi, Miss."

Hindi ko alam kung saan ako pupunta at hinahayaan lamang ang sariling buksan ang mga pintuan kada-silid.

"Anim."

Pagbukas ko ng nasa dulong pintuan sa ikalawang palapag ay naroon ang apat na babae.

"Ano ba?! Nananahimik ang tao rito, e!" wika ng isa sa kanila.

Umakyat na ako sa ikatlong palapag ng gusali at hinayaan na matingnan ang mga taong naroon.

"Saan ka nakatira?"

"Naliligaw ka?"

Hindi ko na pinansin kung ano ang mga sinasabi nila nang umakyat na lamang ako sa pinakatuktok ng gusali.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon