𓆩ꨄ︎𓆪34. Memories of Yesteryear

67 18 20
                                    

"I need a destraction, an escape from this mind-numbing reality."

- Project Loki

𝓘 𝓭𝓮𝓭𝓲𝓬𝓪𝓽𝓮 𝓽𝓱𝓲𝓼 𝓽𝓸 𝓶𝔂 𝓫𝓮𝓵𝓸𝓿𝓮𝓭 𝓖𝓻𝓪𝓷𝓭𝓶𝓸𝓽𝓱𝓮𝓻.

-----

Chapter 34:
Memories of Yesteryear

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

"Ang hindi ko lang po talaga maintindihan ay kung bakit hindi na lang siya magtrabaho para-" pagpapaliwanag ko kay Detective Cruz habang nasa labas kami ng ospital at tumayo muna sa gilid ng sasakyan ni Kuya Ron.

Walang ibang tao sa paligid at tanging ang mga dumaraan lamang na mga sasakyan ang nagdala ng ingay sa paligid.

"Let me stop you right there, Nuñez," sagot niya na hindi pa rin nagbabago ang estrikto niyang pagharap sa akin. "You are aware that Lorraine de Verra is just seventeen years old, right?"

"Seventeen? Akala ko po magkaedad lang po kami," sambit ko. "Kung ganoon ay mas matanda talaga ako sa kaniya - ng isang taon."

"Pero ikaw. Gusto mo bang mag-part time sa CSI para hindi ka rin maging kagaya niyang basta-basta na lang susulpot?" tanong niya.

Ako? Wala nga akong alam doon, e! Tinutulungan ko lang naman si Raine.

"Before you answer that, I can tell you're not as experienced as she is. However, you're quite adept at crafting descriptions based on your interview responses," pagpapatuloy niya.

"Kung sabi niyo nga po ay magaling si Raine, tatanungin niyo rin po siya ng parehong tanong?" ani ko naman.

Napatigil ito nang saglit at saka napatingin sa unahan ng sasakyan kung saan may para bang umiilaw na kung ano.

Mula roon ay nakita namin ang computer ni Kuya Ron. Bubuksan na sana ni Detective Cruz ang sasakyan nang malaman nitong nakakandado iyon.

"Hello? Hello, ikaw ba ang pinapakausap nung taong iyon?"

Ang boses na iyon! Parang doon galing sa selpon ni Raine.

Earlier, he was remarkably calm. I began to suspect that he might be the one holding the others hostage earlier.

"Ako po? Sino po ang nagsasalita?" Rinig kong tanong ni Raine.

"Ramdam kong umalis ang nagbabantay sa akin saglit kaya nandito ako para hindi na magsayang pa ng oras," wika ng lalaki.

"Kumalma lang po kayo. Baka kapag nalaman po niya ay kung ano ang gawin-" ani Raine.

"Miss Lorraine, kinukulong nila kami sa isang madilim na silid at pinapapili kami kung paano namin gustong mamatay," sagot ng babae.

"Sir, huminahon po kayo. Delikado- Huwag ka pong magsasabi ng kahit ano tungkol sa taong iyon!"

Gusto ko sanang puntahan si Raine subalit may parte sa isipan kong gustong malaman ang bawat detalye.

"Alam ko na ang mangyayari sa akin dahil pinili kong mabaril sa puso mamaya! Dalawa sila sa kuwartong ito kanina - ang taong iyon at saka ang sniper niyang naiwan para magbantay."

"Yung kidnapper..."

"Sir?" tanong ni Raine

"... napaka- amo ng boses ni-"

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon