31. Fool Me Twice

75 20 66
                                    

"Select the correct equation for your problem to find the ideal solution."

- lorainejd 𓆩ᥫ᭡𓆪

-----

Chapter 31:
Fool Me Twice

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

On the night the full moon will appear,
A whisper of music soon you will hear.
The scarlet shadow is now drawing near,
Who am I, to whom shall you lend an ear?

"...lend an ear?" wika ni Raine matapos sabihin ang nakasulat sa isang pirasong papel na binigay sa akin.

"Kanino ito galing?" tanong ko habang nasa loob kami ng sasakyan ni Officer Lee.

The paper had the same scent as the previous envelope. It's likely that the same person sent both.

"It's likely the work of that stalker who's been involving others. But now, they've upped their game," sagot ni Raine na nakaupo sa likod namin ni Officer Lee.

"What do you mean?"

"Ngayon ay nagpadala na siya sa post office. Ang postman na may dala ng sulat na iyan ang pinuntirya niya," sagot pa niya. "Siguro ay hindi na gumana ang nauna niyang estratehiya."

"Sino ang lalaking ito? Bakit niya dinadamay ang dati nang wala?"

"Sa tingin mo ba ay karugtong ito nung nauna niyong ginawa?" tanong ni Officer Lee.

"Hindi ko po alam pero ganoon po ang kutob ko," sagot ko na lamang.

"May I ask what happened to your mother? I recall hearing something about it from Inspector, but as I'm still quite new, I haven't yet learned the full details," wika sa akin ni Officer Lee habang nagmamaneho ito ng maliit niyang itim na kotse.

"Limang taon na po ang nakakaraan noong nasunog ang pinagtatrabahuhan niyang pagawaan ng damit," sagot ko. "Isa po siya sa mga napuruhan doon dahil nag-malfunction ang isang equipment doon."

"It's an accident, right?" tanong ni Raine.

Sa pagkakaalala ko ay sinabi sa akin ni Papa na dahil daw iyon doon. "Oo," sagot ko.

"When you said five years ago, is there a suspect involved?" tanong pa ni Raine.

"Pinakulong yung may-ari," sagot ko na lamang.

"What if–" bulalas na lamang niya bigla.

"What if what?"

"Nandito na tayo," wika ni Officer Lee kasabay ng paghinto ng sinasakyan namin.

We arrived at our destination, the house from the photograph, though it now appeared quite aged.

"What now?" tanong ko. "Wala pa po kaming pahinga simula noong nagsimula ito."

"Baka may alam ang nakatira sa bahay na iyan," wika ni Officer Lee kasabay ng pagbukas niya ng pinto ng kaniyang sasakyan.

Doon sana ako bababa nang isinara naman niya agad ito.

"Anong problema?" tanong ni Raine na nakalabas na rin.

"Paano ba nabubuksan ito?" Kung wala lang sanang problema sa oras ay baka hindi ko iyon sinabi sa kanila para hindi nakakahiya.

Umikot si Officer Lee sa unahan ng kotse at saka pinagbuksan ako ng pinto.

"Tara na."

Paglabas ko ay binati kami ng malakas na hangin at ingay ng mga kalapati sa paligid. May kalakihan ang lote at saka napapalibutan ito ng pader na ngayon ay nababalot na ng mga gumagapang na tinanim.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon