13. A Symbol Solution

102 35 53
                                    

"Do not be tricked by what you see now, sometimes the most unimanginable thing is the truth!"

-Shinichi Kudo

-----

Chapter 13:
A Symbol Solution

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Naabutan ko pa lamang ang mga yapak niya nang huminto ito at pumihit pabalik.

"Sir Jerick, wala naman po bang nakitang umaaligid-ligid dito?" tanong niya na nakaharap sa lalaki.

"And most importantly, why are you seeking our help and not the police?" singit ko na lamang na napabalik din sa kanila.

Napatingin sa akin ang lalaki at saka nilapitan si Raine. "Kaibigan mo ba?" Narinig kong bulong niya sa kasamahan ko.

"Ah, opo," sagot ni Raine sabay bigay ng isang ngiti rito.

"Well, to answer your question, Mr...?"

"Nuñez. Zane Nuñez," wika ko rito.

"To answer your question, Mr. Nuñez, Raine here is a good friend of mine," sagot ni Sir Jerick. "Matagal na akong tinutulungan ng mga De Verra."

Nang masambit niya ang tungkol sa pamilya ni Raine ay pumasok sa isipan ko ang panibagong mga tanong tungkol sa aking kasamahan. Para bang kilalang-kilala na niya ako subalit hindi ko naman siya makila-kilala.

"At bakit siya ang tinawag ko? Dahil iyon sa kutob ko pa lamang ang mga ito – walang krimen, tanging ang kakaibang simbolong iyan," dagdag pa niya.

Nanahimik na lamang ako at hinayaan na lamang silang gawin kung ano ang nais nila. Bahala na sila basta ako, wala akong kinalaman.

Umupo si Sir Jerick sa kaniyang upuang umiikot at saka binuksan ang sarili niyang computer sa harapan ng mga cubicle. "Hindi lang iyan ang pinoproblema ko dahil ang nakita ko sa CCTV footage, kanina lamang iyan dumating dito."

Ipinakita niya sa amin ang nakuhanan ng CCTV. Doon ay wala nang tao sa loob ng silid. Ang tanging nakita ko lamang ay ang umiikot na security guard na kita sa iba't ibang security camera sa gusali.

Pagpasok nito sa silid na kasalukuyang kinatatayuan namin ay kita naming isinirado niya ang pintuan. Subalit bago pa man ito ma-lock ay nabalutan ng dilim ang buong paligid. Limang CCTV ang naroon sa silid at lahat sila ay nagdilim.

Handa na sana akong makita kung ano ang mangyayari nang isang kamay ang nagpunta sa keyboard saka pinindot ang Space na nagpatigil sa video. "Huwag kayong pipikit. Tingnan niyo kung anong mangyayari," wika ng may-ari ng kamay na iyon na si Sir Jerick.

"Bakit? Anong prob–" tanong ko sa aking sarili na agad namang natigil nang muli niyang pinagalaw ang video.

"Dalawang minutong nag-brownout," sambit ko pa.

"Power interruption," sabay na wika ng dalawa na naharap sa akin ang mga titig na para bang may nasabi akong mali.

"M-May nasabi po ba akong bawal dito?"

"Power interruption ang nangyari. Ang brownout ay kaunting pagbawas lang ng boltahe ng kuryente," pagpapaliwanag ni Sir Jerick.

"Ah, okay po." Dapat ay hindi na lang ako nagsalita.

Nagpatuloy lamang ang video at napansin ko ngang naroon na ang papel na may nakasulat na simbolo.

Sa muli ay may isang kamay na napadpad sa lamesa na sa pagkakataong iyon ay mouse naman ang hinawakan. Ibinalik niya sa dalawang minuto ang video.

Uncovered CasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon